Get Your Premium Membership

Ihanda Ang Sarili Sa Banal Na Hapunan

Ihanda ang sarili sa Banal na Hapunan, Ang pagdalo sa pagsamba ay pagtalagahan; Itaguyod ang ganap na pagbabagong buhay, Lubos na isulong ang ikapagtatagumpay. Tumulong tayo sa gawang pagpapalaganap, Huwag magsasawang mag-anyaya at maghanap; Akayin ang tao sa mga dako ng misyon, Itanyag natin ang pangalan ng Panginoon. Makipagkaisa tayong lahat sa pagsunod, Huwag tayong manghihinawa kahit mapagod; Maging maalab sa kasiglahang espiritwal, Pagpapalain ang sa Diyos ay nagpapagal. Sasalo tayo sa dulang ng bugtong na Anak, Upang kupkupin at huwag tayong mapahamak; Kakain tayo ng tinapay na s'yang katawan, Iinom ng ubas na dugong kapatawaran. Alalahanin nga ang kamatayan ni Cristo, Na dahil sa Iglesia ay ililigtas tayo; Tinubos tayo sa ating mga kasalanan, Ihanda ang sarili sa Banal na Hapunan.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs