Sa Lupang Ating Tinubuan
Sa lupang ating tinubuan
Ay tulad tayo ng pananim;
Na lumago sa pagkalinga
Sa gitna ng ilaw at dilim.
Sa lupang ating tinubuan
Ay iba't iba ang kultura;
Subalit iisa ang lahi
Na tatak natin sa tuwina.
Sa lupang ating tinubuan
Ay magaganda ang tanawin;
Tunay na nakahahalina
Sa ating puso at paningin.
Sa lupang ating tinubuan
Ay marami ngang wika tayo;
Ngunit nagkakaintindihan
Sapagkat tayo'y Pilipino.
Umabot man sa ibang bansa
Palagi tayong makabayan;
Sabik na haplusin ng hangin
Sa lupang ating tinubuan.
Copyright © Bernard F. Asuncion | Year Posted 2019
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment