Get Your Premium Membership

Huwag Kumapit Sa Patalim

Huwag kumapit sa patalim, Sa panahon ng kagipitan; Kahit daigdig ay madilim, Dapat umiwas sa kasalanan. Sa panahon ng kagipitan, Huwag mawalan ng pag-asa; Dapat umiwas sa kasalanan, May sagot sa iyong problema. Huwag mawalan ng pag-asa, Kahit mabigat ang dalahin; May sagot sa iyong problema, Kung ang Diyos ay susundin. Kahit mabigat ang dalahin, Gamitin ang kamay sa matuwid; Kung ang Diyos ay susundin, Maging ang ilog ay matatawid. Gamitin ang kamay sa matuwid, Kahit ang daigdig ay madilim; Maging ang ilog ay matatawid, Huwag kumapit sa patalim.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things