Ang Gunting Ni Kaka
Ang gunting ni Kaka
Ay laging matalas;
Dahil alaga sa hasa,
Kung gumupit ay wagas.
Ang gunting ni Kaka
Ay may iba't ibang anyo;
Mayroong para sa buhok,
Sa tela, papel at yero.
Ang gunting ni Kaka
Ay delikado sa paslit;
Itago matapos gamitin
Upang hindi makasakit.
Ang gunting ni Kaka
Ay may dalawang talim;
Tulad ng salita ng Diyos,
Pinuputol ang gawang madilim.
Tunay ngang kailangan
Sa buhay kahit saan pa;
Totoong may pakinabang
Ang gunting ni Kaka.
Copyright © Bernard F. Asuncion | Year Posted 2017
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment