Get Your Premium Membership

Read Akala Poems Online

NextLast
 

Kaya Pala

Nung una, akala ko dahil sakin, kaya hindi kana masaya.
Akala ko dahil sakin kaya ka nagbago.

Pero kaya pala.

Kaya pala unti unti kang nanlalamig, kaya pala, dahil sa kanya.
Kaya pala nagbago ka na, kaya pala, dahil sa kanya.
Kaya pala maliit na bagay, ako'y iyong inaaway, kaya pala, dahil sa kanya.
Kaya pala hindi ka na masaya, kahit anong effort ko para pangitiin ka, kaya pala! Dahil sa kanya.

Kaya naman pala.

Masakit! Sobrang sakit, pero sa kanya ka masaya, handa akong magparayara, handa kitang bitawan, basta para sa iyong kaligayahan.

Kaya pala.

Copyright © Jaymar Tacang

NextLast



Book: Shattered Sighs