Lupa Poems | Examples

List of Member Poems

900 Sa Lahat ng mga Santo at Santa

900.
Sa Lahat ng mga Santo at Santa

(1) Oh mga Santo at Santa
Mga hinirang at pinagpala

(2) Dakila sa langit at lupa
Iginagalang at tinitingala

(3) Kayong mga Alagad ng Dios
Kaagapay ng Manunubos

(4) Sa pagtulong sa mga tao
Sa pamamagitan ng mga milagro

(5) Binigyan kayo ng kapangyarihan
Na tulungan ang mga nangangailangan

(6) Mga nangangailangang gaya ko
Na walang pera at trabaho

(7) Ako ay dumudulog sa inyo
Kailangan ko ang inyong saklolo

(8) Walang wala na ako
Kailangan ko ng trabahong ikawalo

(9) Trabahong bubuhay at susustento
Sa akin at sa pamilya ko

(10) Trabahong tatagal ako
Hanggang sa pagtanda ko

(11) Sa lahat ng mga Santo at Santa
Ako sana ay muling magkatrabaho na!

-11/01/2025
(Dumarao)
*All Saints' Day

680 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-10 Utos ng Dios Ama

680.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-10 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-10 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag hangarin ang pag-aari na hindi atin

Mga ari-arian ng iba huwag nating hangarin



Huwag hangarin ang mga pag-aari ng iba sa pamamagitan ni Hesukristo

Na hindi naghangad ng pag-aari ng ibang tao

Huwag hangarin ang mga ari-arian na hindi iyo

Kung ayaw mong managot sa may-ari nito



Huwag hangarin ang mga pag-aari ng iba sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang naghahangad lamang ng kabutihan sa bawat tao

Huwag hangarin ang ari-arian ng iba, labag ito sa Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang ariin tayo



Huwag hangarin ang mga pag-aari ng iba sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi naghangad ng mga ari-arian na hindi kanya

At siya ring nakuntento sa Panginoon natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas kabutihan ang hangarin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

679 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-9 na Utos ng Dios Ama

679.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-9 na Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-9 na Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag hangarin ang asawang hindi atin

Asawa ng iba huwag nating hangarin



Huwag hangarin ang asawa ng iba sa pamamagitan ni Hesukristo

Na hindi naghangad ng asawa ng ibang tao

Huwag hangarin ang asawang hindi sa iyo

Kung ayaw mong managot sa asawa nito



Huwag hangarin ang asawa ng iba sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang naghahangad ng kadalisayan sa bawat tao

Huwag hangarin ang asawa ng iba, kataksilan ito sa Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang hangarin tayo



Huwag hangarin ang asawa ng iba sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi naghangad ng ibang asawa para sa kanya

At Siya ring nagpakatapat sa Panginoon natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas Dios ang hangarin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)


678 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-8 Utos ng Dios Ama

678.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-8 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-8 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag magsinungaling laban sa kapwa natin

Katotohanan ang siyang dapat pairalin



Huwag magsinungaling sa pamamagitan ni Hesukristo

Na Siyang tapat at hindi sinungaling na tao

Huwag magsisinungaling laban sa kapwa mo

Sa huli ay mananaig din ang totoo



Huwag magsisinungaling sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang katotohanan lang ang hatid sa mga tao
Huwag magsisinungaling, saksi sa katotohanan ang Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang pakatotohanan tayo



Huwag magsisinungaling sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi sinungaling, mapagbintang at mapanlinlang sa kapwa

At siya ring nagpakatotoo sa Panginoon natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas katotohanan ang pairalin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

677 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-7 Utos ng Dios Ama

677.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-7 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-7 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Huwag angkinin ang hindi atin

Ang hindi atin ay huwag nakawin



Huwag magnanakaw sa pamamagitan ni Hesukristo

Na hindi magnanakaw nang mamuhay bilang tao

Huwag angkinin ang anumang hindi sa iyo

Sa kung anung mayroon ka ay matutong makuntento



Huwag magnanakaw sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang nagbibigay ng biyaya ng Dios sa mga tao

Huwag magnanakaw, makuntento sa grasya ng Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang angkinin tayo



Huwag magnanakaw sa pamamagitan ni Inang Maria

Na hindi umangkin ng hindi sa kanya

At siya ring nakuntento sa Panginoon natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas kabutihan ang angkinin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

676 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-6 na Utos ng Dios Ama

676.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-6 na Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-6 na Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Kapwa tao ay huwag nating bastusin

Sila ay may karapatan na galangin



Huwag makikiapid sa pamamagitan ni Hesukristo

Na nanatiling dalisay nang mamuhay bilang tao

Huwag makikiapid sa taong hindi para sa iyo

Sa iyong napangasawa ay manatiling kuntento



Huwag makikiapid sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na Siyang nagpakadalisay sa ating mga tao

Huwag makikiapid, igalang ang Templo ng Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang dalisayin tayo



Huwag makikiapid sa pamamagitan ni Inang Maria

Na dalisay ang puso, pagkatao at kaluluwa

At siya ring nagpakadalisay sa Panginoon natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas tao ay dalisayin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)


675 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-5 Utos ng Dios Ama

675.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-5 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-5 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Kapwa tao ay huwag nating patayin

Sila ay kapareho nating may buhay din



Huwag papatay ng tao sa pamamagitan ni Hesukristo

Na nanggagamot at naghahatid ng buhay sa mga tao

Huwag papatay ng tao na kapwa mo at kapwa ko

Sila ay may buhay din na dapat ituring na sagrado



Huwag papatay ng tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na sa Kanyang kapangyarihan ay binubuhay ang mga tao

Huwag papatay ng tao na siyang Templo ng Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang buhayin tayo



Huwag papatay ng tao sa pamamagitan ni Inang Maria

Na kay Hesukristo lumuwal at nag-aruga

At siya ring bumuhay sa Panginoo natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas buhay ng tao ay pakamahalin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

674 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-4 na Utos ng Dios Ama

674.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-4 na Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-4 na Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Ating igalang ang mga magulang natin

Sila ay mahalagang biyaya ng Dios sa atin



Igalang ang mga magulang sa pamamagitan ni Hesukristo

Na ang mga magulang ay iginalang nang Siya ay naging tao

Igalang ang mga magulang na kumupkop at nag-aruga sa iyo

Sila ay itinalaga ng Dios para buhayin tayo



Igalang ang mga magulang sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na sa Kanyang grasya ay ipinanganak ang mga tao

Igalang ang mga magulang at ang Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang lalangin tayo



Igalang ang mga magulang sa pamamagitan ni Inang Maria

Na kay Hesukristo ay naging dakilang ina

At siya ring lumuwal sa Panginoon natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas mga magulang ay galangin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

673 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-3 Utos ng Dios Ama

673.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-3 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-3 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Araw ng Dios ay ating pakabanalin

Ito ang araw upang siya ay alalahanin



Pakabanalin ang araw Niya sa pamamagitan ni Hesukristo

Na itinatag ang Kanyang simbahan para sa mga tao

Pakabanalin ang araw ng Dios na lumikha sa akin at sa iyo

Ito ang araw na dapat magsimba tayo



Pakabanalin ang araw Niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na sa Kanyang araw ay hinihimok magsimba ang mga tao

Pakabanalin ang araw ng Dios at ang Kanyang Banal na Espirito

Pumarito sa lupa upang akayin tayo



Pakabanalin ang araw ng Dios sa pamamagitan ni Inang Maria

Na sa lahat ng mga araw sa Dios sumasamba

At siya ring nagpapabanal sa araw ng Dios natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas araw ng Dios ay pakabanalin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

672 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-2 Utos ng Dios Ama

672.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-2 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-2 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Ngalan ng Dios ay ating pakabanalin

Ito ay sagrado at nararapat galangin



Pakabanalin ang ngalan Niya sa pamamagitan ni Hesukristo

Na ipinakilala Siyang Ama sa lahat ng mga tao

Pakabanalin ang ngalan ng Dios na ipinakilala ng Anak nito

Pangalang higit sa lahat ng pangalan dito sa mundo



Pakabanalin ang ngalan Niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na ipinadarama ang kabanalan ng Kanyang ngalan sa mga tao

Pakabanalin ang ngalan ng Dios at ang Kanyang Banal na Ispirito

Pumarito sa lupa upang pakabanalin tayo



Pakabanalin ang ngalan ng Dios sa pamamagitan ni Inang Maria

Na mapalad din ang ngalan sa lahat ng mga bansa

At siya ring nagpapakabanal sa pangalan ng Dios natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas ngalan ng Dios ay pakabanalin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

671 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-1 Utos ng Dios Ama

671.

Hangad Ko Para sa Ating Bansa:

Ika-1 Utos ng Dios Ama



Ang pairalin ang Ika-1 Utos ng Dios Ama

Ay hangad ko para sa ating bansa

Dios lamang ang tanging sambahin

Siya lamang ang nag-iisang Dios natin



Sambahin Siya sa pamamagitan ni Hesukristo

Na nagdulot ng Kanyang pagtubos sa mga tao

Sambahin ang Dios na nagkatawang-tao

Pumarito sa lupa upang iligtas tayo



Sambahin Siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Na nagpamalas ng Kanyang pagpatnubay sa mga tao

Sambahin ang Dios at ang Kanyang Banal na Ispirito

Pumarito sa lupa upang gabayan tayo



Sambahin ang Dios sa pamamagitan ni Inang Maria

Na sa babaeng lahat ay bukod na pinagpala

At siya ring sumasamba sa Dios natin

Nawa'y ang bansang Pilipinas Dios lamang ang sambahin.



-08/11/2019

*Hangad Ko Para sa Ating Bansa

(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…

intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)

370 Dakilang Tagumpay Para sa Dakilang Hangarin

370.

Dakilang Tagumpay Para sa Dakilang Hangarin



Oh Pinakamakapangyarihang Dios Ama

Tagapaglikha ng tao, langit at lupa

Panginoon ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga



Kailan Mo po diringgin

Ang sampung taon ko nang panalangin?

Pag-ahon sa karimlan ay akin nga bang sasapitin?



Kayraming tao sa mundo ang sadya Mong pinagpala

Hinandugan ng kapangyarihan at limpak na pera

Subalit kanilang ginamit sa mali at masama!



Ako na itong alam Mo kung saan gagamitin

Negosyong pangtustos sa pagkaparing nais tahakin

Puhunang tutulong sa mga taong may mabuting adhikain



Bakit ipagkakait sa nais pagsilbihan Ka?

Sa may hangaring tumulong sa kapwa at sa bansa?

Dakilang Tagumpay sa Philippine Lotto sa akin po ay itadhana!



-06/27/2015

(Dumarao)

*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection

208 Hilaw Pa!

208.

Hilaw Pa!



Kahapon, may isang bata

Na sa akin nakatingala

At ako'y tinirador nga

Upang malaglag sa tuwina



Pero huwag muna, huwag muna

Dahil ako ay hilaw pa



Ngayon naman, may matanda

Na sa akin nagnanasa

At ako'y sinusungkit nga

Upang mahulog sa lupa



Pero huwag muna, huwag muna

Dahil ako ay hilaw pa



Bukas, makalawa, maaaring may isa pa

Na sa akin magtangka

At ako'y hilahin pababa

Upang matuluyan na



Pero huwag muna, huwag muna

Dahil ako ay hilaw pa!



-05/19/2013

(Dumarao)

*My Stormy Morning Poems Collection

186 Tumatarok 7

186.

Tumatarok 7

-Ang Alamat ng Ikalimang Lahi sa Gintong Lupa-



43 Ang lihim na pagsinta

Pagligtas ang bunga



44 Sa araw ng ikatlong buwan

Pinaghandaan ang isang paglisan



45 Si Tuma ang naatasang magbantay

Kay Tarok na bihag na manlalakbay



46 At nang makatiyempo ang may pagtitinginan

Mula pagkatali lalaki'y kinalagan



47 At sila'y kumaripas sa pagtakbo

Sa mga Amazona palayo



48 Nang sa kanila'y may nakakita

Mahiwagang bubuli nilamon sila



49 At nang tuluyan nang nakalisan

Sa Gintong Lupa ang kinasadlakan.



-07/26/2012

*Gintong Lupa Series

185 Tumatarok 6

185.

Tumatarok 6

-Mapanganib na Pag-ibig-



36 Dalawang araw bago ang kasalan

Puso ni Tarok napaglamangan



37 Ng isa ring Amazona

Na pinakamaganda sa kanila



38 Ang babaeng iyon ay naghinagpis

Para sa lalaking ibinigkis



39 Tuma ang ngalan ng naturang Amazona

Na nakaramdam ng pag-ibig sa bihag nila



40 Tuwing nakikitang nahihirapan si Tarok

Puso'y parang tinutusok



41 Nais niya itong pakawalan

Bago sumapit ang kasalan



42 At nang nagkatitigan ang dalawa

Pag-ibig nadama sa isa't isa.



-07/25/2012

*Gintong Lupa Series

Sub Categories

Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace