671 Hangad Ko Para sa Ating Bansa: Ika-1 Utos ng Dios Ama
671.
Hangad Ko Para sa Ating Bansa:
Ika-1 Utos ng Dios Ama
Ang pairalin ang Ika-1 Utos ng Dios Ama
Ay hangad ko para sa ating bansa
Dios lamang ang tanging sambahin
Siya lamang ang nag-iisang Dios natin
Sambahin Siya sa pamamagitan ni Hesukristo
Na nagdulot ng Kanyang pagtubos sa mga tao
Sambahin ang Dios na nagkatawang-tao
Pumarito sa lupa upang iligtas tayo
Sambahin Siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo
Na nagpamalas ng Kanyang pagpatnubay sa mga tao
Sambahin ang Dios at ang Kanyang Banal na Ispirito
Pumarito sa lupa upang gabayan tayo
Sambahin ang Dios sa pamamagitan ni Inang Maria
Na sa babaeng lahat ay bukod na pinagpala
At siya ring sumasamba sa Dios natin
Nawa'y ang bansang Pilipinas Dios lamang ang sambahin.
-08/11/2019
*Hangad Ko Para sa Ating Bansa
(conceptualized while in the Holy Mass of our Town Fiesta…
intended to be in Tagalog for this Buwan ng Wika)
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.