Musika, labis kang makapangyarihan
Pagkain ka ng bawat puso at kaluluwa
Napapaiyak at napapangiti mo ang mga makakarinig sa iyo
Ang bawat liriko mo ay makahulugan at madamdamin
Gitara ay matiyagang pinag-aaralan, makasabay ka lamang
Sa bawat pitik sa kuwerdas ng gitara, ligaya ay nadarama
Hindi alintana ang oras, pagod at gutom, matutunan ka lang
Paunti unti, paisa isang nota ay makakabisado ka rin
Maestro mo ay magaling at nakakahumaling
Kahit na sinong babae ay mapapaibig sa kanya
Freddie Aguilar at Haring Solomon ang kanyang kawangis
Paghanga sa kanya ay huwag ipagkamaling pag-ibig, pakiusap huwag na huwag
Musika ang alaala mo sa paglipas ng panahon
Luluha o ngingiti ka sa mga lumang tugtugin
Na kaakibat ang kasaysayan ng iyong lumipas
Kaya't halina tayo ay magkantahan sa ngalan ng tunay na pag-ibig
Categories:
labis, 10th grade, 8th grade,
Form: Free verse
sindak sa sanlibis
nsglibing ng labis
di maanting ang kalis
Categories:
labis, absence, allah, allegory, allusion,
Form: Choka
Malimit kitang tinutukso kaibigan
Subalit madalas ka namang minamasdan.
Akala mo laang na wala kang halaga,
Kabaligtaran pagkat labis na mahal ka.
Oo,tinutukso ka sa’yong pagkatao,
Sinasaktan pa mula ilong hanggang puso.
Kahit man ika'y halos mapatay sa tukso,
Paumanhin pagkat lahat yaon ay biro.
Halimaw akong palagi kang sinasakal,
Yunuyurakan minsan iyong puri’t dangal.
Subalit hirang sampu niring kamalian,
Katut’hana’y labis-labis kitang mahal.
Totohanan ‘tong sigaw ko na “MAHAL KITA!”,
Oo, dinig ng Diyos tangi kong Prensesa
Katutuhanan sa likod ng politika,
Ang sa puso’y totoong itinatangi ka.
Categories:
labis, addiction, crazy, funny love,
Form: Romanticism