Yaman, tanging sa Lumikha lahat nanggaling
Dapat na ipamahagi ng pantay sa mga tao
Kayamanan ng bansa ay ari ng mamamayan
Salapi para ipambili ng kailangan ng mga tao
Pero bakit marami ang nagugutom sa mundo ?
Marami din ang nagtatapon ng mga pagkain
Itinapon ng mayaman na pinulot ng mahirap
Ito ba ang gustong mangyari ng Lumikha ?
May gobyerno para pamahalaan ang yaman
Subalit inaangkin dahil sa kasakiman ng ganid
Iilan lang ang mga bilyonaryo at milyonaryo
Multi milyon naman ang mga salat sa pagkain
Ano ba ang dapat ? Ipamahagi ang mga yaman
Trabaho at kabuhayan ay ibigay para sa lahat
Kulang ba sa kaisipan ang mga namamahala ?
O sadyang ganid at sakim lang sa kayamanan
Categories:
kulang, 10th grade, adventure, baby,
Form: Free verse
Kapaligiran, Kay gandang pagmasdan
Lalo na kung ito'y maayos at malinis
Subalit kulang yata sa aral o disiplina ang mga Pilipino
Maraming basura ay nagkalat, mga plastik at bote
Na sa kanal ay napupunta at bumabara
Darating na naman ang tag-ulan
Bubuhos ang napakalakas na ulan
At parang uhaw na uhaw ang lupa
Na walang sawang sinasahod ang ulan
Ngunit siya man ay nalunod din dahil sa baha
Bahang dulot ng mga baradong kanal
Kelan kaya mamahalin ng tapat ng mga Pilipino
Ang kanyang kapaligiran, kailan kaya ito ?
Kahit pasukin pa ng baha ang kanyang bahay
Ay parang walang epekto sa kanila
Sige na naman mga kababayan ko
Huwag na tayong magtapon ng basura sa kapaligiran
Mga bata ay araw araw na nating turuan na magmalasakit
Sa kapaligirang kanilang mamanahin
Sige na mga kababayan, alagaan ang ating kapaligiran
Categories:
kulang, adventure, africa, america, angel,
Form: Free verse
Umaga, o kay gandang umaga
Punung puno ng pag-asa, isang panibagong araw sa buhay
Masarap humigop ng tsokolate o kape bago pumasok sa opisina
sa iyong paglalakad, iyong mamamasdan ang ganda ng kapaligiran
Maraming tao ang iyong nasasalubong, iba iba ang layunin para sa araw na iyon
Iisa lang naman ang aking layunin para sa araw na iyon
Ang matapos ang araw na nakapagsilbi sa bayan ng may ngiti
Bago matapos ang araw, iyong iisipin ang para sa kinabukasan
Subalit pakiramdam ko ay kulang ang araw na iyon, dahil hindi kita nakita
Ngunit umaasa akong bukas ay makikita kita sa panibagong umaga
Ilang umaga pa ba ang aking hihintayin, upang ikaw ay aking makasama
Makasama sa iba't ibang bagay, kahit anong bagay basta makasama ka lang
Marami na akong nakasama, subalit tinik sa dibdib ang sa aki'y ibinibigay
Kung kaya't nais kitang makasama, sa mga susunod na umaga
Sana'y ilang umaga na lang ay makasama na kitang ganap
Upang ang lahat ng umaga ko'y maging mas maganda, na kasing ganda mo
Categories:
kulang, adventure, africa, allah, angel,
Form: ABC
ako ang una mong minahal
di mo nga lang napanindigan
di ako ang iyong pinakasalan
dahil sa iba ka bumigay
minahal kita ng lubusan
pagkababae mo'y iginalang
inunawa ka't pinakaingatan
ngunit sa iyo pala iyo'y kulang
balewala sayo ang aking pagpupursige
na alayan ka ng magandang buhay sa huli
hinanap mo ika mo ang iyong sarili
dahilan mo'y sadyang makasarili
hindi ko alam na nakikipagtipan kana
ginawa mo akong sanggago't sangtanga
ngunit inunawa pa rin kita
masakit man ika'y binigyang-laya
wala kana ngayon
nalimot ko na ang kahapon
maaaring bukas, wala na rin ako
ngunit naging bahagi ka pa rin
ng masalimuot na kasaysayan ko. . .
Categories:
kulang, art, destiny, farewell, goodbye,
Form: Rhyme