BUHAYIN
Ang ngiti mo'y bumabagay
Sa hatid ng iyong mga labi
Ika'y nagsisilbing tala sa hating gabi.
Mga munting mata na marikit
Sa akin ay pinapawi ang lahat ng sakit
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi
Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay
Ang diwa mo'y aking gabay
Huwag sanang malayo sa'king tabi
Pighati kong walang ibang pumapawi
Ang kaluluwa'y nananabik
Madampian lang ng iyong halik
Tanging nais lang ay sayo'y lumagi
Chorus:
Abangan na lang natin
Bumalik ang bukas
At iwanan ang darating
Kung lahat man ay kumupas
Sa iyo ay mananatiling buhay (2x)
Mananatiling buhay sa iyo...
Categories:
halik, appreciation, art, beauty, dedication,
Form: Sonnet
Gabi...
Dalaw ng pangungulila.
Pilit na ipininta sa kwadro ng gunita...
...makulay...
libo't saring paro-paro...
lipad...lipad...lipad!
samyo ng bulaklak, awit sa pandinig nito.
hamog ng hanging amihan, butil nito'y sumibol
kumislap, umakit...
...naghihintay sa dampi ng halik!
Umaga...
hamog na umusbong...
sa loob ng salaming di matinag
namukadkad...
ahhhh...pilit kumakawala...
sa kulay ay nagliliyab
pag-isahin nawa... hamog niya ay bigyang laya!
Inner Whispers
Categories:
halik, body, longing, metaphor, senses,
Form: Free verse