Dugo Poems | Examples


List of Member Poems

787 Ang Paglatigo sa Haligi at ang Pagkastigo ng mga Haligi

787.
Ang Paglatigo sa Haligi
at ang Pagkastigo ng mga Haligi

At isinakdal si Hesukristo
Kina Caiaphas, Herodes at Pilato
Oras na! Oras na! Isinakdal na!
Lilitisin na Siya!

Sila ang mga pinuno
Mga haligi ng Imperyong Romano
At nilatigo ang nasa hukuman
Mga dugo nagsidanakan

At isinuplong si El Gordo
Kina Araneta, Penson at Oducado
Oras na! Oras na! Isinuplong na!
Uusigin na siya!

Sila ang mga LPardo
Mga haligi ng Paaralang Tanco
At kinastigo ang nasa sakdalan
Mga wangis nagsipulahan

Ang paghagupit ng Bagyong Yolanda
Ay isa bang marapat na parusa?
Ang paghamblos ng unos sa Bisayas
Ay hatol din ba ni Satanas?

-04/07/2020
(Dumarao… Holy Tuesday)
*Unique Holy Week

782 Ang Liwanag ni Hesukristo at Ang Dugo ng 44 na Sundalo

782.
Ang Liwanag ni Hesukristo
at Ang Dugo ng 44 na Sundalo

At nagtungo sa bundok si Hesukristo
Kung saan Siya ay nagbagong-anyo
Nasaksihan ito ng mga sumunod dito
Na sina Juan, Pedro at Santiago

Ang sinunod ay may premyo
May nakasaksi sa hiwaga nito
Gaya ba ito…
Ng premyo ng Commander-in-Chief na si Aquino?

Ang sumunod ay may premyo
Nasaksihan ang kadakilaan ng pinuno
Gaya ba ito…
Ng premyo ng 44 na sundalong namatay sa Mamasapano?

Ang sinunod at sumunod ay parehong may premyo
Sa isa't isa parehong nakinabang ang mga ito
Gaya ba ito…
Ng premyo nina Noynoy Aquino at 44 na sundalo nito?

5 patay na sibilyang nasangkot sa engkwentro
18 patay sa mga tinugis na Moro
44 patay sa Tropa ng Gobierno
Ito ba ang premyo ng pagsunod sa Gobiernong Aquino?

-03/08/2020
(Dumarao… based on today's Gospel)
*Ides of March

778 The 2 Black Widows

778.
The 2 Black Widows

May 2 ama…
Na naglahong parang bula…
Parehong namatay sila…

Sa eroplanong sakay nila…
At dahil doon, may 2 biyuda…
Na naghangad maging reyna…

Oh kawawang Kambal na Agosto…
Nabahiran ng dugo…
Nina Ninoy Aquino…

At Jesse Robredo…
Upang iluklok mga asawa nito…
Ang 2 Black Widows na yellow…

-02/22/2020
(Dumarao)
*EDSA 1 Anniversary


557 Ang TED sa Puso Ko

557.

Ang TED sa Puso Ko



Ang TED sa puso ko ay parang Lireo ng Encantadia

Bughaw ang simbolong kulay nila

Narito ang mga Sanggre o dugong bughaw ng Encapsudia

Danaya/Dela Cruz, Amihan/Arriola, Pirena/Penson, Alena/Araneta



Ang TED sa puso ko ay parang Terran sa Starcraft na laro

Bughaw ang sagisag na kulay ng mga ito

Nais nila ang pangunguna at pamumuno

Nasa dugo ng lahing tao – katangian ng pagiging guro



Ang TED sa puso ko ang nagturo sa akin

Kung paano ang pagiging guro ay tangkilikin at mahalin

Mag-aaral higit sa lahat ang dapat unahin

Responsibilidad sa klase ang dapat atupagin



Ang TED sa puso ko ay parang Terran at Lireo

Dito ko nadama ang pangarap kong totoo

Ang maging tao na makaguro, ang maging guro na makatao

Salamat sa mga taga-TED na naging bahagi ng buhay ko!



-10/23/2017

(Dumarao)

*a tribute to TED of CapSU-Dumarao

254 Legasiya sg mga Pilipino

254.

Legasiya sg mga Pilipino



Aton sa liwat handurawon

Ang isa ka maragtason nga tini-on

Tini-on kon sa diin naghugpong kita

Agud tapuson ang diktadurya

Diktadurya nga sa aton nagpamigos

Naghatag sg kahadlok kg pag-antos

Gamit ang kamot nga salsalon

Mga krony naghari sa gobierno naton

Ang kahilwayan sa pagpahayag

Hinali nga natiphag

Naglala ang komunismo kg terorismo

Kg pagbayular sg kinamatarong sg tawo

Gani kita nagsinggit sa mga dalan

Nga ang gobierno dapat na islan

Kg sang ginpatay si Ninoy Aquino

Kg sang sa Sanap Election kita ginunto

Minilyon nga mga tawo naghugpong sa EDSA

Kg nagsinggitan nga “Tama na! Sobra na!”

Sa tunga sg mga soldado kg tangke

Imol, manggaranon, babayi, lalaki, estudyante, mga madre

Matawag ini nga isa ka mirakulo

Kay wala sg gamo kg nag-agay nga dugo

Isa ini ka rebolusyon nga mahidaeton

Inspirasyon sg tanan nga mga nasyon

Amo ini ang legasiya sg mga Pilipino

Nga dapat ipabugal sa tanan nga tawo!



-02/11/2014

(Dumarao)

*written this Evelio Javier Day in Panay…aired on Bombo News Analysis in Feb. 24, 2014

242 Binyagan Mo Muli Ako

242.

Binyagan Mo Muli Ako



Oh Hesukristo

Ako'y muling binyagan Mo

Ibuhos Mo ang Iyong dugo

Upang mapawi ang mga sala ko



Ako ay Iyong pagmasdan

Nababalot ng karumihan

Punung-puno ng kasalanan

Parang wala nang kapatawaran



Baguhin Mo ang aking buhay

Itayong muli ang mga suhay

Tapusin ang pagkakaratay

Sa mga kasalanang nakamamatay



Pakawalan Mo ako sa mga kadena

Ng pagdurusang matagal na

Ako'y palayain Mo na

Bigyan ng panibagong pag-asa.



-01/12/2014

(Dumarao)

*written on this day of the Feast of the Baptism of Jesus


141 Daragus 1

141.

Daragus 1

-Si Dara-



1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa

Siya ang binukot na si Dara



2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang

Natatanging anak ng mga magulang



3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok

Mana sa amang hari na mapusok



4 Maputi at makinis ang balat

Mana sa inang reyna na madalaing magulat



5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay

Matapang sa buhay, natatakot mamatay



6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo

Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto



7 Subalit mayroon din naman siyang libangan

Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan.



-06/22/2012

*Gintong Lupa Series

Anino Ng Darating

Ipinagbabawal ng Panginoong Diyos
Ang pagkain ng dugo ng hayop o ibon; 
Mula pa sa panahon ni Noe ay utos
Na ang dugo ay dapat sa lupa ibaon.

Sa bayang Israel ay ipinagbawal din, 
Ang paglabag ay mabigat na kasalanan; 
Itinitiwalag ang sinumang kumain
Ng dugo kahit hinaluan pa ng laman.

Hanggang sa panahon ng mga huling araw, 
Ang kabawalang ito ay nagpapatuloy; 
Dugo ng manok, kambing, baka o kalabaw, 
Huwag kanin matapos iluto sa apoy.

Ang pantubos noong una'y dugo ng hayop, 
Kaya ito'y banal, mabuti, at magaling; 
Sumunod tayo sa Diyos at magpasakop, 
Dugo ng hayop ay anino ng darating.

In Filipino

Sinubukan kitang tikisin,
Sadyang inaral ko kung paano ka saktan.
Pero ikaw ay siyang indulhensiya at indulhente
At ako ay sabik, sakim, at yamot sa katinuan.

Kaya't sa huli, ganoon paman din ang kalabasan;
Inuusig mo ako, at ako, ginugusto ko naman.
Pananaigin at papahintulutang lasunin mo
Ang dugo, utak, pananaw, at puso ko.

Magic Kapote

by Sir Jhucel

Kay lakas ng mga ulan
Tumatagaktak sa alinsangan,
Kay dami ng alingawngaw sa paligid
Kagat sa labi, ngipin sa bagang ay nagngingitngit

Dalawang bagay na tumitibok
Ang syang nagmula sa alikabok,
Padalos-dalos na pinagtatama
Nawala tila ang pangamba sa pagkatok

Magkahawak kamay na nilusong
Ang bahang sa kama’y umuugoy,
Mga nakaw na sandali ay sadyang nagpapatuloy
Sirkulasyon ng dugo sadyang kay bilis ng pagdaloy

Puno ng MAHIKA ang sarap ng paligid,
Nananatiling  ang paghinga ng dalawa
Ay sakal at nakataling lingid…

Siguradong sa iba may halong pag-aalangan,
Pero ako hindi nangangambang sumugod ng bigla sa ambunan,
At MAAMBUNAN sya ng mga ulan

Dahil suot-suot ko ang aking mahiwagang kapote
Palagi ko ‘tong baon-baon
May kakambal pang pampasuwerte,
Nagbibigay sa akin ng proteksyon sa mga pasakit,
Kahit sa pagkakataong dalawa kong mga mata’y
Hindi na maimulat, tuluyan nang nakapikit

Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace