Get Your Premium Membership

Magic Kapote

by Sir Jhucel Kay lakas ng mga ulan Tumatagaktak sa alinsangan, Kay dami ng alingawngaw sa paligid Kagat sa labi, ngipin sa bagang ay nagngingitngit Dalawang bagay na tumitibok Ang syang nagmula sa alikabok, Padalos-dalos na pinagtatama Nawala tila ang pangamba sa pagkatok Magkahawak kamay na nilusong Ang bahang sa kama’y umuugoy, Mga nakaw na sandali ay sadyang nagpapatuloy Sirkulasyon ng dugo sadyang kay bilis ng pagdaloy Puno ng MAHIKA ang sarap ng paligid, Nananatiling ang paghinga ng dalawa Ay sakal at nakataling lingid… Siguradong sa iba may halong pag-aalangan, Pero ako hindi nangangambang sumugod ng bigla sa ambunan, At MAAMBUNAN sya ng mga ulan Dahil suot-suot ko ang aking mahiwagang kapote Palagi ko ‘tong baon-baon May kakambal pang pampasuwerte, Nagbibigay sa akin ng proteksyon sa mga pasakit, Kahit sa pagkakataong dalawa kong mga mata’y Hindi na maimulat, tuluyan nang nakapikit

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment
Date: 11/26/2014 2:04:00 AM
Sir Greg, Nice!! interpretation, : )But sir do you know wht's the meaning behind this poem??
Login to Reply