Habang nilalakbay itong karagatan,
Iba't ibang kulay ng ilaw ang nasisipat
Kadilima'y alay rin sa mamamayan
Puting walang galaw, iba nama'y pakipat-kipat
Parang pasko sa dalampasigan
Ilaw ng mga motor sa dagat, kumukutikutitap
Ang masilaw na puting ilaw, dinaraanan
Sabi'y halika'yo mga isda at kulisap!
Dasal 'wag lang lumapit ang kidlat
Nang pamilya nami'y huwag mangamba
Hala mga isda pasok at tuloy sa lambat
Oh kadiliman ikaw rin ay pinagpala
Lamig din ang kalaban, ngunit hindi patitinag
Tuloy lang mga bituin sa pagkislap
Ganito ang gabi, kapag nanlalayag
Saksi sa ilaw ng pagsusumikap at pangarap.
Categories:
alay, motivation, night, sea, work,
Form: Rhyme
O pag-ibig na makapangyarihan
kapag tinalo ng kamunduhan
masisira ang reputasyon at kinabukasan
ng iniirog at minamahal
O pag-ibig sana'y masilayan
ang pagmamahal na nasa katwiran
pag-ibig na makasarili lamang
nakakasakal mandi'y nakamamatay
O pag-ibig sana'y maunawaan
ang pagmamahal ay di isahan lamang
kailangan itong maramdaman
ng dalawang puso nagniniig sa kaligayahan
O pag-ibig sana'y huwag sumobra
ang pag-alay sa sinisinta
dahil kung ang sarili'y hindi na tinirhan
pag-ibig na kaytamis hantunga'y kamatayan.
Categories:
alay, abuse, art, change, crazy,
Form: ABC
some they call cops
by the way they bop
some or fat
move like that
some just alay and sleep
you can see
they got
FLAT FEET
Categories:
alay, abuse, adventure, anger,
Form: Light Verse