Get Your Premium Membership

Ang Pagbabalik

Ang agos ng ilog ay dumadaloy, ito’y hahantong din sa dagat, tulad nating lahat uuwi rin sa pinanggalingan. Ang tuyong dahon ma’y ‘di magtatagal ay mapapagod din, Ito’y kusang mahuhulog sa ihip ng hangin. Kapatid ko, ako’y naririto, naghihintay sa iyo kung ika’y hapo. Halika at sa bisig ko ihinga ang mga hinanakit sa buhay. Ako’y makikinig, hindi mo ba nakikita umaga’y nasa isang dako lamang? Lahat ng bagay dito sa lupa babalik sa pinagmulan, halina uuwi tayo tungo sa isa’t isa. Mahal kita, mahalin mo ako, bigyan mo ng pag-asa, ang buhay ay ligaya, pag-ibig sa tuwina.

Copyright © | Year Posted 2006




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs