Get Your Premium Membership

Sa Sandaling Lumayo


Paulit-ulit kong pinapaalaala sa sarili na ang bawat titik sa kaniyang mga linya ay hindi basehan upang makaramdam ako ng kilig. Ngunit, palaging may sumasalungat. Palaging naroon ang sabayan nilang diin nang pagsalungat. Kaya paano ko pipigilan?

Kahit alam kong mali.

Kahit alam kong bawal.

Paano ko sasabihin sa sariling “masama ang sobrang emosyon sa ’yo‚ kayâ pigilan mo iyan”‚ kung sa bawat pagpipigil ko‘y mas lumalalim ang dumurungaw na pagmamahal ko para sa ’yo.

Heto na naman ako.

Natataranta. Nawiwindang sa sandaling ika‘y makaharap na. Gusto kitang layuan — pero hindi nangangahulugang mawawala na ang init at lambing.

Hindi ito pagtakas sa aking nararamdaman. Hindi rin ito pagtakbo sa kung anong maaaring patutunguhan. Hindi rin ito nangangahulugan nang pagsuko. Nais ko lang mag-isip.

Nais ko lang huminga sa nakapapagod na sandali.

Dahil natatakot akong maupos sa oras na bumalandra sa akin ang katotohanan.

Sandali...

Hindi ito isang pagpapalaya.

Bakit kailangang palayain kung sa simula pa lang‚ hindi ka naging akin?

Kayâ‚ nais kong sabihing gusto ko lang lumayo para huminga — hindi para iwasan ni ang iwan ka.

Gusto ko lang na pansamantalang palayain ang sarili sa bawal, ’pagkat ayaw kong manatiling maging sa ’yo araw-araw kung hindi mo káyang maging akin hanggang ang pagtanda‘y dumatal.

Mi L Cah || Sa Sandaling Lumayo


Comments

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this short story. Encourage a writer by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs