900.
Sa Lahat ng mga Santo at Santa
(1) Oh mga Santo at Santa
Mga hinirang at pinagpala
(2) Dakila sa langit at lupa
Iginagalang at tinitingala
(3) Kayong mga Alagad ng Dios
Kaagapay ng Manunubos
(4) Sa pagtulong sa mga tao
Sa pamamagitan ng mga milagro
(5) Binigyan kayo ng kapangyarihan
Na tulungan ang mga nangangailangan
(6) Mga nangangailangang gaya ko
Na walang pera at trabaho
(7) Ako ay dumudulog sa inyo
Kailangan ko ang inyong saklolo
(8) Walang wala na ako
Kailangan ko ng trabahong ikawalo
(9) Trabahong bubuhay at susustento
Sa akin at sa pamilya ko
(10) Trabahong tatagal ako
Hanggang sa pagtanda ko
(11) Sa lahat ng mga Santo at Santa
Ako sana ay muling magkatrabaho na!
-11/01/2025
(Dumarao)
*All Saints' Day
880.
Aral sa 7 kong Trabaho 7:
MSWDO
Ang Pampito kong pinagtrabahuan
DSWD/MSWDO sa aming bayan
Bilang isang Job Order
Na Computer Encoder
Sa computer ako ay naglagay
Ng mga datos at importanteng bagay
Tungkol sa mga matatanda
Senior Citizens ng aming banwa
Subalit tinanggal ako
Dahil daw sa text ko
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
2 taon na sana ako sa DSWD
Kung natutunan kong magtimpi.
-09/25/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
879.
Aral sa 7 kong Trabaho 6:
Assumption
Ang Pang-anim kong pinagtrabahuan
Assumption na Paaralan
Bilang isang Titser
Contractual na Teacher
Sa mga bata ako ay nagturo
Mga batang hayskul na Katoliko
Tinuruan ko sila
Nang may kakaibang sistema
Subalit nagpaalam ako
Dahil sa mga rasong komplikado
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
3 taon na ako doon sana
Kung natutunan kong magtantiya.
-09/25/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
878.
Aral sa 7 kong Trabaho 5:
OLSI
Ang Panglima kong pinagtrababuan
OLSI na Paaralan
Bilang isang Titser
Contractual na Teacher
Sa mga bata ako ay nagturo
Mga batang hayskul na Katoliko
Tinuruan ko sila
Ng iba't ibang asignatura
Subalit nag-AWOL ako
Dahil sa problemang halu-halo
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
6 taon na ako doon sana
Kung natutunan kong magpasensiya.
-09/25/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
877.
Aral sa 7 kong Trabaho 4:
MAO
Ang Pang-apat kong pinagtrababuan
MAO sa aming bayan
Bilang isang Job Order
Na Computer Encoder
Sa computer ako ay naglagay
Ng mga datos at mahalagang bagay
Tungkol sa mga nagawa
Ng mga katrabaho sa opisina
Subalit nag-resign ako
Dahil gusto ko ulit magturo
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
7 taon na ako doon sana
Kung natutunan kong magtiyaga.
-09/24/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
876.
Aral sa 7 kong Trabaho 3:
CAPSU
Ang Pangatlo kong pinagtrababuan
CAPSU na Paaralan
Bilang isang Titser
Contractual na Teacher
Sa mga bata ako ay nagturo
Mga batang nasa Kolehiyo
Tinuruan ko sila
Ng English, Communication, History at iba pa
Subalit nag-reklamo ako
Dahil mga contestants ko ay natalo
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
15 taon na sana ako sa paaralang ito
Kung natutunan kong magrespeto.
-09/23/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
875.
Aral sa 7 kong Trabaho 2:
Fermat
Ang Pangalawa kong pinagtrababuan
Fermat na Paaralan
Bilang isang Titser
Contractual na Teacher
Sa mga bata ako ay nagturo
Mga Batang Koreano
English ay tinuruan ko sila
Bumasa, umunawa, sumulat, magsalita
Subalit nag-leave/AWOL ako
Dahil na-homesick sa trabaho
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
15 taon na sana ako sa paaralang ito
Kung natutunan kong magsakripisyo.
-09/22/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
874.
Aral sa 7 kong Trabaho 1:
Kapitolyo
Ang Una kong pinagtrababuan
Kapitolyo ng aming lalawigan
Bilang isang Job Order
Na Computer Programmer
Sa computer ako ay nagsulat
Ng mga balita at ulat
Tungkol sa mga nagawa
Ng Gobernador ng aming probinsiya
Subalit nag-resign ako
Dahil sa mababang sweldo
Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana
15 taon na sana ako sa Kapitolyo
Kung natutunan kong makuntento.
-09/21/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho
858.
Nasaan na Kami?
(1) Noon ay teacher, ngayon ay Job Order
Nalang ang isang BBM-Sara supporter
(2) Nasaan na, nasaan na, nasaan na kami
Na mga supporters nina BBM at Sara D?
(3) Nasaan na si Andrew E?
Ngayon mas angat si Andrea B!
(4) Nasaan na si Toni G?
Ngayon mas angat si Donnie P!
(5) Nasaan na si Karla E?
Ngayon mas angat si Regine V!
(6) Nasa “Magandang Buhay”
Ang nasa “Angat Buhay”
(7) Ngayong panahon nina BBM at Sara D
Bilang ating Pangulo at VP
(8) Bakit mas umangat ang mga Kakampink?!
At kaming nasa UniTeam yata ang nae-extinct!?
(9) Gising PBBM at VP Sara!
Kami naman ang iakyat niyo sana…
-01/19/2024
(Dumarao)
857.
Sorry, Liberal
(1) Ako ay tutula nang maikling-maikli
Para sa 78th Birthday ng Liberal Party
(2) Isang tula ng pag-sorry
Para sa lahat ng nasa Liberal party
(3) Sana tayo ay magbati na
Dahil ang isa't isa'y ating kinontra
(4) Kinontra ko kayo
Kinontra niyo ako
(5) At dahil ako ang pasimuno
Ako rin ang tatapos dito
(6) Sa ating kaytagal nang hidwaan
Na parang wala na yatang katapusan
(7) Kaya bilang tugon sa panawagang pagkakaisa
Ng UniTeam o BBM-Sara na dakila
(8) Hayaan niyo po ako na makipagkasundo
Proverbs 16:8 ay iiwan ko sa inyo.
-01/19/2024
(Dumarao… my gift for the
78th Birthday of Liberal Party
of the Philippines)
837.
Wala Nang Pang-Happiness Needs
Nung ako ay tanggalin
Sa CapSU noong 2016
Happiness Needs ipinagkaila sa'tin
Panggastos sa celebations wala na
Wala nang panghanda
Na nagbibigay ng saya
Panggastos sa travels wala na
Wala nang panglakwatsa
Na nagdudulot ng tuwa
Panggastos sa materials wala na
Wala nang panlibangan sana
Na naghahandog ng ligaya
Nang sa CapSU alisin ako
Wala na po
Na Pang-Happiness Needs tayo!
-11/20/2022
(Dumarao)
*My Losing CapSU
826.
Pagmamakaawa kay Prof. De Vera
Oh Mahal kong Prof. Popoy De Vera
Ako sa iyo ay nagmamakaawa
Ibalik mo po ako
Sa CapSU na pinagmulan ko
Bilang AO sa opisina
Na guro rin sa mga bata
Na nasa kolehiyo
Sa kanila ako hiyang na magturo
Hindi ako hiyang sa Elementarya
Ganundin sa Sekondarya
Sa Fermat at OLSI nasubukan ko
Hindi ako nagtagal sa mga ito
Hindi ko narin po kaya
Na sa DepEd magpa-Ranking pa
Sana sa CapSU nalang po ako
Dati akong History Teacher dito
Nalagpasan ko na Hiring Process nila
Waiting nalang ako sa magiging resulta
Tulungan mo po ako
Na ako ang piliin ng mga ito.
Gaya mo, ako ay UP Graduate din na
Pwedeng mamuno habang nagtuturo.
-10/26/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback
825.
Pagmamakaawa kina BBM-Sara
Oh Mahal kong BBM-Sara
Ako sa inyo ay nagmamakaawa
Ibalik niyo po ako
Sa CapSU na pinagmulan ko
Bilang AO sa opisina
Na guro rin sa mga bata
Dito ay magagawan ko
Ng mga tula ang ating Pangulo
Gaya ng mga tula
Na aking nagawa
Noon kay Pang. Noynoy Aquino
Sa CapSU ko lang magagawa ito
Hindi ko na yata kaya
Na sa DepEd magparanking pa
Wala na akong panggastos dito
Sana sa CapSU nalang po ako
Mga requirements napasa ko na
Na-interview narin ako nila
Qualified at Eligible po ako
Sa posisyong inaplayan ko
Dito nalang ako sana
Hanggang sa maging Professor ako rito.
-10/25/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback
777.
Pasko sa Krisis na Naman!
Pasko sa krisis na naman sa ating bayan
Kayrami paring problema ng ating lipunan
Tulad ni Leni na may pasabog na naman
Pero nasaan ang animo'y “Ulat sa Bayan”?
NINGAS COGON…DAPAT BANG TULARAN?...
Iyo pang dinahilan ang mga nilindulan
Paano kung araw-araw mayroong ganyan?
Eh ‘di araw-araw ding ipagpapaliban?
Ano pa kaya ang idadahilan?
MAÑANA HABIT…DAPAT BANG TULARAN?...
Ngayong papalapit ang Kapaskuhan
May mga nabagyuhan, nilindulan at nasunugan
Oh kayraming nawalan at mga namatayan
May magagawa ba riyan ang iyong “Ulat sa Bayan”?
BAHALA NA SYSTEM…DAPAT BANG TULARAN?...
Atat na kami sa panibagong gawa (este ngawa) ng dilawan
Mauunahan pa yata ng paghatol kay Ampatuan
Sana sunod si Leila yan ng LP naman
Para sa mga nasa Leilayan ng LiPunan.
-12/17/2019
(Dumarao)
*perhaps or probably my final poem
560.
Sa CapSU-Dumarao ay Nakamit Ko…
Sa CapSU-Dumarao ay nakamit ko…
Ang BSEd Uniting para sa pagiging guro
Dito ay naging kaklase ko ang mga estudyante ko
Sa CapSU-Dumarao ay nakamit ko…
Ang Masteral sa FCU para level-up sa trabaho
Kahit hindi ko natapos ay puntos parin ito
Sa CapSU-Dumarao ay nakamit ko…
Ang 5 taong karanasan sa pagtuturo
Na sana ay magamit ko sa mga susunod na tatahakin ko.
-10/24/2017
(Dumarao)
*a tribute to my accomplishments in CapSU-Dumarao
Sub Categories
Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.