Short Sana Poems
Short Sana Poems. Below are examples of the most popular short poems about Sana by PoetrySoup poets. Search short poems about Sana by length and keyword.
Balita ko ika'y huwara't marangal.
Natutuwid mo raw baluktot na asal?
Ngunit ano 'tong aking nabalitaang
Guro'y nabuwal. Guro' ka't nalimutan?
Balita ko sa iyo'y walang tutulad.
Nalilimot mo raw iyong mga hangad?
Ngunit ano 'tong aking nabalitaang
Ulirang guro, ika'y napagbintangan.
Aywan ba, bakit ka nila ginaganyan?
Papel mo'y kay laki naman sa lipunan.
Sana ang susunod kong mababalitaan
Minahal ka na nila't pinarangalan...
05/21/17