Long Bago Poems
Long Bago Poems. Below are the most popular long Bago by PoetrySoup Members. You can search for long Bago poems by poem length and keyword.
140.
Siboloria 14
-Ang Alamat ng Unang Lahi sa Gintong Lupa-
92 Bago magbukang-liawyway ay nilamon
Ng bubuli ang prinsipe bago bumangon
93 Kumaripas sa kagubatan
Iniluwa't muling nagkita ang magkasintahan
94 Naroon din ang Diwata ng Lupa
Mga kabute't tubig ay dala
95 Pagkain at inumin isusuhay
Sa mahiwagang bubuli isasakay
96 Sa ‘di kalayuan ay umugong
Mula sa palasyo ang budyong
97 Pinaulan ni Bulawan ng buhangin ang kagubatan
Upang pabagalin mga kalaban
98 Tungo sa Gintong Lupa!
Unang Lahi ng mga tao roon – kina Sibo at Loria!
-06/21/2012
*Gintong Lupa Series
Kandilang nagliliwanag sa dilim
Ang katulad ng Iglesia Ni Cristo;
Upang magningning sa gawang mabuti
Sa gitna ng napakasamang mundo.
Kapag nakikita ng mga tao
Ang lingkod ng Ama sa kabanalan;
Sila man ay magpupuri sa Diyos,
At maaakay sa katotohanan.
Huwag itago ang ilaw kailanman,
Ipakita ang mabubuting gawa;
Sa malalaking mga pagtitipon,
Ipahayag ang magandang balita.
Huwag iwan ang pagpapalaganap,
Magmisyon sa bundok, bayan, at lunsod;
Sa walang tigil na pag-aanyaya
Ay utos ng Diyos ang sinusunod.
Bago magwakas ang sandaigdigan,
Ipabatid ang ebanghelyong lihim;
Hayaan nating magsilbing patnubay,
Kandilang nagliliwanag sa dilim
556.
Ang Kapuso Kong CapSU
Nang mawala ang pangalawa kong trabaho
Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago
Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko
Walang atubili'y akin siyang tinungo
At sinubukan bago kong palad dito
Sa TED kung saan una akong itinalaga
Mga batikang guro dito aking nakasalamuha
Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama
Kayrami kong natutunan mula sa kanila
Minsang itinuring ko na parang mga ina
Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan
Para ko naring naging ama si Sir Hapitan
Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan
Akala ko noon ay mahirap silang turuan
Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban
Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento
Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto
Kaya ang naging tingin ko sa mga ito
Ay parang sa Encantadia na mga engkantado
Taglay ang katangian ng 5 elemento
Dito rin sa Encapsudia, ako'y naging estudyanteng guro
Nang mag-Uniting, mga estudyante ko'y naging kaklase ko
May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito
Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko
CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU!
-10/14/2017
*a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its
3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence
132.
Siboloria 6
-Lihim na Ugnayan-
36 Sa lahat ng araw ng ikalawang buwan
Bago ganapin ang napipintong kasalan
37 Madalas wala ang prinsipe sa palasyo
Dinadahilan parati ang pangangaso
38 Subalit parating walang huli
Dahil may lihim siyang ikinukubli
39 Iyon ang kanilang ugnayan
Ni Loria sa sikretong pook sa kakahuyan
40 Sila'y palaging nakahahanap
Ng butas sa pagpapanggap
41 Ang palusot naman ni Loria
Sa ina'y dumadalaw siya
42 Wala man lang nakahalata
Sa lihim na ugnayan ng dalawa.
-06/17/2012
*Gintong Lupa Series
176.
Alabir 7
-Ang Lalaking Santelmo-
43 Dalawang araw bago ang kasalan
My mga nilalang na bumulabog sa magkasintahan
44 Habang si babae ay sa daan pauwi
Na lagi namang hatid ni lalaki
45 May mistulang apoy na nilalang
Sa daraanan ay humambalang
46 Siya ay mukhang nasusunog na tao
Nagmula sa lupa at kung tawagin ay santelmo
47 Inilabas ng binata ang kanyang espada
Dinaluhong ang halimaw ng sandata
48 Napuksa naman iyon kaagad
Oh ang dalaga'y kaybuti ng palad
49 Nang dahil kay Biriong sinisinta
Muling nailigtas sa panganib si Alyna.
-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
776.
Mag-Simbang Gabi na Tayo
9 na arao bago ang Pasko
Mag-Simbang Gabi na tayo
Habang patungo ng simbahan
Mga Pamaskong pailaw madadaanan
Habang nasa daaan ay mapapakinggan
Nag-aanyayang kampana ng simbahan
At kapag nasa loob na nito
Mga awitin naman ng Pasko
Ito ay tradisyon na kinalakhan ko
Dito sa bansa naming ito
Makikita, mapapakinggan
Oh anong karanasan?
Diwa ng Pasko ay mararamdaman
Kapag Simbang Gabi ay dinaluhan
Mag-Simbang Gabi na tayo
9 na arao bago ang Pasko!...
-12/16/2019
(Dumarao…1st Day of Simbang Gabi…1st time Pope Francis celebrated this)
The sun here burns without speaking.
In *Sta. Magdalena, even the wind gossips,
even the silence sits beside you
and calls you **"padaba."
But Riyadh?
Riyadh listens too much.
And when I speak,
my voice comes out wrapped in plastic.
I eat beside men with vanished names,
we all have families blurred behind remittance,
eyes trained not to blink at machines,
hearts trained not to shatter
at the sound of our children
saying “Papa” from a screen.
I have made peace with white tiles,
hallways scrubbed of joy.
The mosque’s call is the only breath
that cuts through this mechanical sleep.
I do not pray—
I bargain with God.
One more year, I say.
One more ***bago umuwi.
And in my bed,
I curl around the ghost of my own dialect.
I am learning to cry
without leaving a trace
on my pillow.
*Sta. Magdalena, Sorsogon, Philippines
**beloved
***before home, finally.
796.
Ang Alamat ng Walang Forever
Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang isinuko o isinurrender
Laban man o hindi ay “Walang Forever”?
Kapag nais ka nilang sumuko
Sasabihin nila ito
Uso ito sa mga bina-busTED
Bangungot ng mga broken-hearTED
Narinig ko na ito sa TED mga 2013
Bago ako doon pangalawang beses paalisin
At nang ako sa Crim i-transfer
Isinulat kong motto: “CapSU Forever”
Aba! Meron paring ganong bukambibig
Hindi ba't kaysarap sa pandinig?!
Parang hangarin ko ay kinokontra
Bakit? Ano bang ginawa ko sa kanila?!
TED o Crim ba ang talagang may pakana?...
O meron lamang nagdidikta sa kanila?
WALAng mahirap kung WALAng korap
Sabi ng may pakana ng DAP
DAPalan music ay laganap
Para akong china-chopchop
Chachara… chachaRA…
Mwah2x! Chup2x!... sabi ng kanta
Charap na charap ang panot na beybi
Sa nilulutong “break-up” ni mineral mommy
Na habang kanilang tinatapos
Bumagsak isang mabagsik na unos…
-07/27/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions
31.
España, me todavia en tu memoria?
Ako lang naman yaong hamak na kapuluan
Sa kontinenteng Asya bandang timog-silangan
Na minsan mo nang dinayo at pinagkanlungan.
España, me todavia en tu memoria?
‘Di ba't hindi ako ang marapat na sadyain?
Ika'y nagkamali sa dinaungang lupain!
Subalit bakit ka pa nagpumilit sa akin?
España, me todavia en tu memoria?
Ano bang nasilayan at ako'y binihag mo?
Ikaw pa ang naghandog sa akin ng ngalan ko
Bininyagan na maging Romano Katoliko.
España, me todavia en tu memoria?
Langis ng Kristiyanismo ako ay binuhusan
‘Di nga lang lubos dumaloy hanggang talampakan
Na kay Allah ay tali na noon pa man.
España, me todavia en tu memoria?
Tatlong daan, tatlumpu't taong alipin
Dugo't laman ko'y pinagpumilitang
bigkisin
Sa kultura't kamalayang dayuhan sa akin.
España, me todavia en tu memoria?
Ano bang taglay mo't nagtiis din sa'yo?
Mga dantao'y inabot bago napagtanto
Pag-alpas na marapat mula paniniil mo!
España, me todavia en tu memoria?
Ginang ng karagatan kung ikaw ay turingan
Ako'y isa lang pala sa'yong anak-anakan
Na sa kapangyarihan mo'y nakipagkumpulan.
España, me todavia en tu memoria?
Ngayon ay isandaan at sampung taon narin
Ang nakalipas nang ako ay iyong lisanin
Pero siguradong ikaw ay nandito parin.
España, me todavia en tu memoria?
Bayani kong si Rizal sa'yo ay nagtungo
Upang ipabatid ang aking panlulumo
Wika mo'y inaral ngunit balewala sa'yo.
España, me todavia en tu memoria?
Ngayon ako naman kung nais maunawaan
Ang tulang ito na sa'yo ang patukuyan
Ang wika kong ito naman ang ‘yong pag-aralan.
España, me todavia en tu memoria?
España, ako ba'y nasa iyo pang gunita?
-08/01/2008
(Miagao)
*for PI 100 under Sir Sansait
Bago bago…
Sounded the drums at the village square,
This time not for a mere elderly meeting nor was it for a village gathering.
Neither was it for a warrior’s announcement.
So I dash into the hut,
Alerting grand-pa,
Who was sited by the fire side sniffing snuff
Child; he childed
The drums speaks at a distance,
But the elders had predicted.
Sit down, he added
You are being summoned by the Ngû at the village shrine,
Following the issue between you and Nyibio
Meanwhile I sad down listening to grand-pa,
I took things light;
Besides the princess is in love with me and not with that old notable Nyibio
Son; he sonded
You are to appear there before three days,
If not you will be banish from this land.
But I prefer you go and check “whatz” wrong tomorrow.
So I set off for the shrine as early as possible the next day;
Arriving the shrine and seeing the angry look of the shrine master,
I knew there was going to be trouble.
Nyibio must have motivated him,
And
A battle between David and Goliath was certain.
Stand here; he said
Speak out, he added arrogantly
Tell the gods what you know about the princess;
It continues…