556 Ang Kapuso Kong CapSU

556.

Ang Kapuso Kong CapSU



Nang mawala ang pangalawa kong trabaho

Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago

Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko

Walang atubili'y akin siyang tinungo

At sinubukan bago kong palad dito



Sa TED kung saan una akong itinalaga

Mga batikang guro dito aking nakasalamuha

Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama

Kayrami kong natutunan mula sa kanila

Minsang itinuring ko na parang mga ina



Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan

Para ko naring naging ama si Sir Hapitan

Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan

Akala ko noon ay mahirap silang turuan

Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban


Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento

Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto

Kaya ang naging tingin ko sa mga ito

Ay parang sa Encantadia na mga engkantado

Taglay ang katangian ng 5 elemento



Dito rin sa Encapsudia, ako'y naging estudyanteng guro

Nang mag-Uniting, mga estudyante ko'y naging kaklase ko

May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito

Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko

CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU!



-10/14/2017

*a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its

3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence
Copyright © | Year Posted 2026

Poem

Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Be the first to comment on this poem. Encourage this poet.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace