Get Your Premium Membership

Kandilang Nagliliwanag Sa Dilim

Kandilang nagliliwanag sa dilim Ang katulad ng Iglesia Ni Cristo; Upang magningning sa gawang mabuti Sa gitna ng napakasamang mundo. Kapag nakikita ng mga tao Ang lingkod ng Ama sa kabanalan; Sila man ay magpupuri sa Diyos, At maaakay sa katotohanan. Huwag itago ang ilaw kailanman, Ipakita ang mabubuting gawa; Sa malalaking mga pagtitipon, Ipahayag ang magandang balita. Huwag iwan ang pagpapalaganap, Magmisyon sa bundok, bayan, at lunsod; Sa walang tigil na pag-aanyaya Ay utos ng Diyos ang sinusunod. Bago magwakas ang sandaigdigan, Ipabatid ang ebanghelyong lihim; Hayaan nating magsilbing patnubay, Kandilang nagliliwanag sa dilim

Copyright © | Year Posted 2018




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Radiant Verses: A Journey Through Inspiring Poetry