31 Espana, me todavia en tu memoria

31.

España, me todavia en tu memoria?



Ako lang naman yaong hamak na kapuluan

Sa kontinenteng Asya bandang timog-silangan

Na minsan mo nang dinayo at pinagkanlungan.



España, me todavia en tu memoria?



‘Di ba't hindi ako ang marapat na sadyain?

Ika'y nagkamali sa dinaungang lupain!

Subalit bakit ka pa nagpumilit sa akin?



España, me todavia en tu memoria?



Ano bang nasilayan at ako'y binihag mo?

Ikaw pa ang naghandog sa akin ng ngalan ko

Bininyagan na maging Romano Katoliko.



España, me todavia en tu memoria?



Langis ng Kristiyanismo ako ay binuhusan

‘Di nga lang lubos dumaloy hanggang talampakan

Na kay Allah ay tali na noon pa man.



España, me todavia en tu memoria?
Tatlong daan, tatlumpu't taong alipin

Dugo't laman ko'y pinagpumilitang
bigkisin

Sa kultura't kamalayang dayuhan sa akin.



España, me todavia en tu memoria?



Ano bang taglay mo't nagtiis din sa'yo?

Mga dantao'y inabot bago napagtanto

Pag-alpas na marapat mula paniniil mo!



España, me todavia en tu memoria?



Ginang ng karagatan kung ikaw ay turingan

Ako'y isa lang pala sa'yong anak-anakan

Na sa kapangyarihan mo'y nakipagkumpulan.



España, me todavia en tu memoria?



Ngayon ay isandaan at sampung taon narin

Ang nakalipas nang ako ay iyong lisanin

Pero siguradong ikaw ay nandito parin.



España, me todavia en tu memoria?


Bayani kong si Rizal sa'yo ay nagtungo

Upang ipabatid ang aking panlulumo

Wika mo'y inaral ngunit balewala sa'yo.



España, me todavia en tu memoria?



Ngayon ako naman kung nais maunawaan

Ang tulang ito na sa'yo ang patukuyan

Ang wika kong ito naman ang ‘yong pag-aralan.



España, me todavia en tu memoria?

España, ako ba'y nasa iyo pang gunita?



-08/01/2008

(Miagao)

*for PI 100 under Sir Sansait
Copyright © | Year Posted 2026

Poem

Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Be the first to comment on this poem. Encourage this poet.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace