787 Ang Paglatigo sa Haligi at ang Pagkastigo ng mga Haligi
787.
Ang Paglatigo sa Haligi
at ang Pagkastigo ng mga Haligi
At isinakdal si Hesukristo
Kina Caiaphas, Herodes at Pilato
Oras na! Oras na! Isinakdal na!
Lilitisin na Siya!
Sila ang mga pinuno
Mga haligi ng Imperyong Romano
At nilatigo ang nasa hukuman
Mga dugo nagsidanakan
At isinuplong si El Gordo
Kina Araneta, Penson at Oducado
Oras na! Oras na! Isinuplong na!
Uusigin na siya!
Sila ang mga LPardo
Mga haligi ng Paaralang Tanco
At kinastigo ang nasa sakdalan
Mga wangis nagsipulahan
Ang paghagupit ng Bagyong Yolanda
Ay isa bang marapat na parusa?
Ang paghamblos ng unos sa Bisayas
Ay hatol din ba ni Satanas?
-04/07/2020
(Dumarao… Holy Tuesday)
*Unique Holy Week
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.