Isa Poems | Examples

List of Member Poems

1 Pasko sa Krisis (Reposted)

1.

Pasko sa Krisis



Pasko na naman

Pero gulo ang nararanasan

Ano ang tunay na kahulugan

Ng Pasko sa ating bayan?



Mga taong nag-aasam

Ng kapayapaan sa kapaskuhan

Hindi man lang nakamtan

Ang kanilang inaasahan



Ang Pasko sa krisis

Hindi namin ninanais

Hindi rin namin inaasahan

Ang mga bilihi'y magsitaasan



Ngunit gaano man kalala

Ang krisis ng bansa

Basta may pagmamahalan

Ang bawat isa



Tiyak na sasaya

Ang ating pagsasama

At kung may pagkakaisa

Malaki ang pag-asa



Kaya tayo na't umpisahan na

Pagmamahalan, pagsasama

Pagkakaisa't kapayapaan

Para sa pag-angat ng ating bayan!



-12/25/2000

(Dumarao)

*a project/assignment

828 Pagpakitluoy sa mga Tanco

828.
Pagpakitluoy sa mga Tanco

Oh mga Tanco nga akon palangga
Halangdon nga pamilya
Ni sadto Gobernador Victor Tanco
Sa sini nga teritoryo

Sa sini nga banwa
Sang Dumarao nga akon palangga
Ako sa inyo nagahingyo
Nga ako pasugtan ninyo

Nga makabalik sa
CapSU-Dumarao nga akon palangga
Kon sa diin ako
Sadto isa ka maestro

Palihog ako sa inyo pabalika
Kay siya akon ginapalangga
Handum ko liwat magserbisyo
Sa sini ninyo nga teritoryo

Ako nagapakitluoy busa
Sa inyo dongganon nga pamilya
Tani kaluoyan ako ninyo
Ako nangin tampad sa inyo

Kag kon makabalik ako sa iya
Bahala na ang Dios sa inyo.

-10/28/22
(Dumarao)
*My CapSU Comeback

827 Pagpakitluoy sa mga Arancillo

827.
Pagpakitluoy sa mga Arancillo

Oh mga Arancillo nga akon palangga
Dongganon nga pamilya
Ni sadto Mayor Dodoy Arancillo
Sa sini nga teritoryo

Sa sini nga banwa
Sang Dumarao nga akon palangga
Ako sa inyo nagahingyo
Nga ako tugutan ninyo

Nga makabalik sa
CapSU-Dumarao nga akon palangga
Kon sa diin ako
Sadto isa ka maestro

Palihog ako sa inyo pabalika
Kay siya akon ginapalangga
Gusto ko liwat magserbisyo
Sa sini ninyo nga teritoryo

Ako nagapakitluoy busa
Sa inyo halangdon nga pamilya
Tani kaluoyan niyo ako
Ako tampad niyo nga tinawo

Kag kon makabalik ako sa iya
Dios na ang bahala sa inyo.

-10/27/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback


824 National Hotline System ni Pres Duterte

824.
National Hotline System ni Pres. Duterte

May 8 magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“National Hotline System” ay isa na rito
Para sa emergency cases sa bansang ito

Nakasaad dito ang mga numero
Ng emergency, reklamo at iba pang serbisyo

Ito ay para sa mas madaling pagproseso
Ng mga pangangailangan sa gobierno.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

823 National ID System ni Pres Duterte

823.
National ID System ni Pres. Duterte

May 8 Magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa Bansa

“National ID System” ay isa na rito
Para sa identification purposes sa bansang ito

Nakasaad dito ang mga datos mo
Gaya ng birthday at address mo

Ito ay para sa mas pinadaling pagproseso
Ng mga transaksiyon sa gobierno.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

822 Clean, Clean, Clean ni Pres Duterte

822.
Clean, Clean, Clean ni Pres. Duterte

May 8 Magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“Clean, Clean, Clean” ay isa na rito
Mga paglilinis sa bansang ito

Physical Cleansing sa kapaligiran
Mga estero at ilog, pati mga kadagatan

Internal Cleansing sa pamahalaan
Mga kawani at opisyal, pati mga kapulisan.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)


821 Build, Build, Build ni Pres Duterte

821.
Build, Build, Build ni Pres. Duterte

May 8 Magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“Build, Build, Build” ay isa na rito
Mga imprastraktura sa bansang ito

Daan-daang mga pagamutan
Libu-libong mga paaralan

Milya-milyang mga kalsada at daanan
Bagung-bagong mga pantalan at paliparan.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

820 Friend of America ni Pres. Duterte

820.
Friend of America ni Pres. Duterte

May 8 Magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“Friend of America” ay isa na rito
Kaibigan ng Amerika ang bansang ito

Sa kabila ng pagdistansiya sa mga Kano
Estados Unidos ay kaibigan parin tayo

“Friend to All, Enemy to None”
Kay PDuterte bansa natin ay ganyan.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

819 Friend of China ni Pres. Duterte

819.
Friend of China ni Pres. Duterte

May 8 magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“Friend of China” ay isa na rito
Kaibigan ng Tsina ang bansang ito

Sa kabila ng agawan sa teritoryo
Tsina ay kaibigan parin tayo

“Friend to All, Enemy to None”
Kay PDuterte, bansa natin ay ganyan.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

818 War on Terror ni Pres. Duterte

818.
War on Terror ni Pres. Duterte

May 8 magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“War on Terror” ay isa na rito
Laban sa terorismo sa bansang ito

May Bangsamoro Organic Law na
May Anti-Terror Law pa

Sa tulong ng kasundaluhan
Terorismo't terorista ay nabawasan.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

817 War on Drugs ni Pres. Duterte

817.
War on Drugs ni Pres. Duterte

May 8 magagandang nagawa
Si Pres. Duterte sa bansa

“War on Drugs” ay isa rito
Laban sa iligal na droga sa bansang ito

May Tokhang na
May Double Barrel pa

Sa tulong ng kapulisan
Iligal na droga ay nabawasan.

-03/28/2022
(Dumarao)
*8 Magagandang Nagawa ni Pres. Duterte sa Bansa
(77th Birthday of PDuterte)

794 Ang Alamat ng Bunggaitan

794.
Ang Alamat ng Bunggaitan

Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang inalagaan
Noong 2010 ay “Bunggaitan”?

Gayong ang salitang ito
Ay nagsimula lamang mauso
Noong 2011 sa isang programa
Na kung tawagin ay “Amaya”

Isang binukot na mahiwaga
Naging guro rin siya
Nagturo rin sa mga bata
Gaya ng Adviser ng “Ang Bunga”

Ito ang tawag nila
Sa babasahin kong nilikha
Tinawag nga rin itong muta
Ng isa sa ating tagapangalaga

Kakulay nga ng dilaw na dumi sa MATA
Ang logo nitong hinog na mangga
Na sa simula palang ay nais nang pitasin
Dahil sa laylayan lamang ito nakabitin

Itong Bunga ng Bunggaitan
Sa wakas ay natikman
Ilang buwan sa pagsisimula
Na mapanood si Amaya

Na kinamuhian din ng mga
Nakatataas sa kanya
Ani Aristotle: “Sa Ed, ang Bunga matamis
Samntalang ang mga ugat ay nakakainis.”

-07/25/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions

793 Ang Alamat ng Jowa

793.
Ang Alamat ng Jowa

Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Boyfriend, Girlfriend o Siyota
Ay naging “Jowa”?

Tanungin mo kaya
Ang VICE na maGANDA
Dahil hindi ba't siya
Ang nagpauso ng ganyang salita?

Dahil kung ako ang tatanungin
Di maganda para sa akin
Para bang shortcut sa
“JO WAla”

Wala pa akong naging jowa
Mula sa aking pagkabata
Hindi ang aking MiJo
Isa lamang siyang EXperimento

Pero bakit ako concern dito
Gayung ayoko namang magkaganito
Ayoko lang kasi na
Parang tunog “JO WAla”

Dahil si JO ng Doremi
At si Jo ng Dumarao-Makati
Ay prehong ini-#Waay
Ng nagliliyab na bye-bye

Anong masasabi mo
DB Paolo
Die Beautiful bang mamatay
Nang may ganitong aray?

-07/24/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions

790 Ang Pagpako at Kamatayan sa Krus ni Hesukristo at Ang Paglisan at Katapusan sa CapSU ni El Gordo

790.
Ang Pagpako at Kamatayan sa Krus ni Hesukristo
at Ang Paglisan at Katapusan sa CapSU ni El Gordo

At isinalansan na si Hesukristo
Sa Krus upang dito ipako
Oras na! Oras na! Isinalansan na!
Nakapako na Siya!

Sila ang mga Romano
May hawak sa Imperyo
At sa Krus kung saan ipinako
Nagwakas ang sakripisyo

At isinaayos si El Gordo
Sa CapSU upang paalisin dito
Oras na! Oras na!
Nakaalis na siya!

Sila ang mga LPardo
May hawak sa Paaralang Tanco
At sa CapSU kung saan nagturo
Nagtapos ang serbisyo

Ang wakas sa CapSU ni El Gordo
Ay isa bang karma sa tumakbong Pangulo?
Oras na rin ba ng katapusan
Ng 6 na Taong Tuwad na Daan?

-4/10/2020
(Dumarao… Good Friday)
*Unique Holy Week

787 Ang Paglatigo sa Haligi at ang Pagkastigo ng mga Haligi

787.
Ang Paglatigo sa Haligi
at ang Pagkastigo ng mga Haligi

At isinakdal si Hesukristo
Kina Caiaphas, Herodes at Pilato
Oras na! Oras na! Isinakdal na!
Lilitisin na Siya!

Sila ang mga pinuno
Mga haligi ng Imperyong Romano
At nilatigo ang nasa hukuman
Mga dugo nagsidanakan

At isinuplong si El Gordo
Kina Araneta, Penson at Oducado
Oras na! Oras na! Isinuplong na!
Uusigin na siya!

Sila ang mga LPardo
Mga haligi ng Paaralang Tanco
At kinastigo ang nasa sakdalan
Mga wangis nagsipulahan

Ang paghagupit ng Bagyong Yolanda
Ay isa bang marapat na parusa?
Ang paghamblos ng unos sa Bisayas
Ay hatol din ba ni Satanas?

-04/07/2020
(Dumarao… Holy Tuesday)
*Unique Holy Week

Sub Categories

Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace