Get Your Premium Membership

Paalam, Lirika

dinig ko
melodya galing sa puso mo
hinagpis ng pagkatalo
sumuko'ng pag-ibig
naparam, nakipaglaro.

pilit dininig, 
pinakinggan awit ng iyong tinig
malamyos, malungkot
mapagmalaki, mapagbiro.

umasa ako
puso mo'y marinig
melodya ng aking tinig
ngunit bingi ang iyong pandinig
inakala mo, puso ko'y di na ikaw ang awit.

di yata't kailangan
idikta, iukit
lirika nitong pag-ibig? 

huli na.

melodya ng iba
akap-akap na ng iyong alaala
papaano pa maririnig, mababasa
lirika nitong pagsinta? 

tititigan pa ba kita sa mata? 

kung ang kislap nito'y banaag na
melodya ng bago mo'ng sinta
at nakipagniig na
sa dinatnan mo'ng musika
sa bayan na inulila.

paalam na...
ulan.
lirika ng puso
akin nang kalilimutan
magpaparaya sa melodya
na umakit, nagpasigla
sa awit ng iyong pangungulila! 


Inner Whispers

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things