Manlalaro
Ako’y manlalaro sa isang takbuhan.
Dinidisiplina ang aking katawan.
Ako’y nagsasanay at nakatalaga,
Nakatanaw ako sa mismong medalya.
Iniiwasan ko sa aking pagtakbo
Na paa’y matisod, sa laba’y matalo.
Di ko ginagawa, paglingon sa likod,
Ni ang pagsuko sa hirap at sa pagod.
Bagaman sa laro ay sadyang marami
Ang mga kalahok o mga kasali
Ay iisa lamang ang magtatamasa
Ng nilulunggating gintong gantimpala.
Sa paligsahan ay aking minimithi
Na magtatagumpay ako’t magwawagi.
Copyright © Bernard F. Asuncion | Year Posted 2021
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment