Umaga, nakikita kang naglalakad,
Ang kanan mong kamay ay may tangan pang bag.
Ang kaliwang kamay mo'y libro ang hawak
Ngunit sa daan kilalaka ng lahat.
Ika'y guro; Sagisag ng kasipagan!
Ang tangan mo lagi, kung 'di nila alam,
Ay ang susi mong kung tawagi'y lesson plan.
Sa aga ng pasok mo, Ika'y huwaran!
Tanghali, akala nila ika'y hibang;
Hapo at gutom na ngunit nangangaral.
Ang totoo, nagreremedial class ka Ma'am!
Sino ka ba? Ika'y dakila't marangal!
Hapon, ika'y 'di man pansin ng lipunan,
Subalit kapiling mo'y mga upuan;
Habang ang pluma mo'y pinagsasalitang
"Bukas, bata ito ang matututunan!".
Categories:
susi, education, teacher,
Form: Ballad