Isang pangarap na gustong tuparin
Isang parangarap na mag dadala sa taas
Isang parangarap na mag aahon
Isang pangarap na kahit kailan hindi magawa.
Kahirapan! Kahirapan ang hadlang!
Ang daming parangarap na hindi natupad
Dahil sa kahirapang dulot ng kapangyarihan
Kapangyarihan na dulot ay impyerno sa mahihirap.
Asan ang mga pangakong batid nung halalan?
Mga matatamis na salita dulot ay kaginhawaan?
Mga sabing ang mahihirap ay unang kapakanan?
Asan kayo nung kayo ay nakaupo at kailangan?
Categories:
sabing, community, political, presidents day,
Form: Free verse
Siguro ikaw ay pangarap na lamang
Nitong dukhang sa’yo’y lubhang nahihibang.
Pangarap na kawangis ng bahaghari
Makulay subalit ‘di ko pag- aari.
Siguro ito ang mainam isipin!
Ne sa bangungot, ang ikaw ay ariin,
Ay himala na sigurong matuturing;
Maging ang ako’y taos- pusong mahalin!
Kasi higit sa’yong sabing, “’Di ma’ari!”.
Ang Diyos na lubhang maluwalhati,
Sa guni- guni ko ay Siyang nagsabi,
“Tao, ‘di Ko matutulot iyong mithi!” .
Kung kaya, sa gitna niring talinghaga,
Sabihin na bahag yaring abang buntot;
Ituring ‘di pantas sa gan’tong batalya
At, sa huli, alipin sa hiwaga ng Diyos!
Categories:
sabing, change, devotion, god,
Form: I do not know?