Get Your Premium Membership

Read Tao Poems Online

NextLast
 
Ar Ni Written by: Ar Ni  Send Soup Mail  
Read Poems by Ar Ni

Trabaho

Trabaho, kailangan ng lahat ng tao
Upang kumita ng pera na pambili
Ng mga pagkain at ng mga gamit
Dapat na ibigay ito sa lahat ng tao

Huwag ng maging sakim ang mga 
nasa gobyerno at namumuhunan
Ibuhos ang kaban ng bayan para sa 
lahat ng mga lugar at mamamayan

Maraming trabaho ang magagawa
Tagatimpla ng kape, tagapunas ng 
sapatos o tagamasahe ng likod 
Kumpara sa petiks at tsismisan lang

Kung lahat ng mga tao ay may pera
Lalakas ang lahat ng mga negosyo
Puno ang groceries, restaurants, 
Coffee shops, malls, hotels, salons

Ibuhos ang pera sa kaban ng bayan
Paagusin tulad ng sa mga lawa na 
umaagos sa mga ilog at mga talon 
papuntang karagatan at kalangitan

Ibubuhos muli ng langit sa mundo
Upang umagos muli sa mga sapa, 
paulit ulit na ganyan din dapat ang
Trabaho, na paulit ulit sa mga tao








Copyright © Ar Ni

NextLast



Book: Radiant Verses: A Journey Through Inspiring Poetry