Long Salamat Poems

Long Salamat Poems. Below are the most popular long Salamat by PoetrySoup Members. You can search for long Salamat poems by poem length and keyword.


321 Legasiya ni Papa Francisco sa Pilipinas

321.

Legasiya ni Papa Francisco sa Pilipinas



Oh Papa Francisco, Supremo ng Simbahan

Ang iya pagtambong daw ano ka bulahan

Siya naghatag kalipay sa aton duog

Matapos ang makakulugmat nga bagyo kg linog

Gani sa una nga adlaw sg iya pagbisita

Bisan gab-i don madamo guihapon nakita

Nga mga Pilipino nga nagdulog sa iya alagyan

Agud siya sugaton kg amligan

Sa ikaduha nga adlaw sg iya pag-abot

Iya gin-akigan mga pulitiko nga kurakot

Iya ginpahanumdom ang pagtatap sa mga karnero

Iya ginlaygayan ang mga pamilya nga Pilipino

Sa ikatatlo nga adlaw niya sa pungsod

Iya ginpahagan-hagan ang mga nagakalisod

Iya ginbendisyunan mga biktima sg kalamidad

Iya ginhatagan puloy-an mga imol sa komunidad

Sa ikaapat nga adlaw niya diri sa aton nasyon

Iya ginpakigkita mga lideres sg iban nga relihiyon

Iya gin-ulu-ulo mga kabataaan nga nagpa-utwas

Iya ginpangamuyuan ang bilog nga Pilipinas

Gani sa ulihi nga adlaw sg iya pagkari

Madamo sa guihapon nagbantay sa iya diri

Sin-o bala ang magakalipat sa isa ka Santo Papa

Nga bisan may bagyo sa guihapon nagbisita

Bisan iban nga relihiyon sa iya nagsaludo

Kay iya ginpamatud-an nga siya para sa tawo

Matuod guid nga kay Hesukristo siya tiglawas

Salamat Papa Francisco sa kabalaka sa Pilipinas!



-01/21/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection
Form: Rhyme


865 Pag-asa sa Pamilyang Sagrado

865.
Pag-asa sa Pamilyang Sagrado

(1) May pag-asa kay Hesus Nazareno
Pangalawang Patron ng Quiapo
Ang Kapistahan ay ika-9 ng Enero
Tinulungan Niya ako
Makapagtapos ng Kolehiyo

(2) May pag-asa kay Santo Niño
Patron ko sa Casimiro
Ang Kapistahan ay ika-19 ng Enero
Tinulungan Niya ako
Magkaroon ng kapatid na bunso

(3) May pag-asa kay Candelaria ng Jaro
Patron ng Jaro sa Iloilo
Ang Kapistahan ay ika-2 ng Pebrero
Tinulungan Niya ako
Makapasa sa Board Exam ng Guro

(4) May pag-asa kay San Jose ng Dumarao
Pangalawang Patron ng bayan ko
Ang Kapistahan ay ika-19 ng Marso
Tinulungan Niya ako
Magkaroon muli ng trabaho

(5) Hesus, Maria, Jose - mga Patron ko
Pamilyang Banal, Pamilyang Sagrado
Sila ang pag-asa ng bawat tao
Tumulong sa akin, tutulong din sa inyo
Salamat sa Dios sa pamilyang ito.

-05/25/2025
(Dumarao)
*5 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem
Form: Rhyme

230 Ikaw don guid!

230.

Ikaw don guid!



Isa ini ka ti-on

Ginakabig nga maragtason

Bangud yara ikaw upod namon



Oh halangdon ang imo ngalan

Kay kami sa imo labi sa tanan

Kanami pamati-an, kanami pamatyagan



Sa imo pagtatap ipahamtang

Kon kami yara sa alang-alang

Ikaw isa ka mananabang



Gani imo ipadayon ang edukasyon,

Maayong lawas, agrikultura nga mainuswagon,

Pangabuhian kg pagbuhis nga eksaktuhanon



Gob. Tanco, ikaw don guid! Ikaw don guid…

Ang tampad nga naga-ulikid

Gani salamat guid! Salamat guid!



Lantawa kay naghugpong ang bilog nimo nga banwa

Agud ipakita sa bug-os naton nga probinsya

Nga kami naga-apin guid sa imo kg sa iya



Matuod nga malipayon man ini nga ti-on

Para sa amon tanan nga mga Dumaraonon

Bangud amon kasimanwa ang subong gobernador namon!



-10/13-14/2013

(Dumarao)

*for Gob. Tanco's 69th Birthday
Form: Rhyme

Salamat Po, Ka Eduardo

Salamat po, Ka Eduardo,
Sa inyo pong pagmamahal;
Inaakay n’yo ang tao
Patungo sa bayang banal.

Kahit mapagod, mapuyat
Ay hindi n’yo alintana;
Ang mahalaga'y matupad
Ang tungkulin n’yo sa Ama.

Ang Iglesia’y tinitipon
Sa lahat halos ng dako;
Panganib ay sinusuong,
Iniikot itong mundo.

Dama ng mga pinili
Ang inyo pong pagsasakit;
Kami‘y hindi masasawi,
Kaligtasa’y makakamit.

Walang iba pang hangarin
Kundi para sa Iglesia;
Nagtagumpay ang mithiin
Sa inyo pong pangunguna.

Sa inyong pangangasiwa,
Puso po ang nangungusap;
Kami ay di nagsasawa,
Pagsamba ay laging hanap.

Pasasakop kaming lubos
Sa Lider Pangkalahatan;
Kami na mga tinubos,
Pagsunod ay di iiwan.

Tutuparin ang tungkulin,
Totoo hanggang sa wakas;
Tatapusin ang takbuhin,
Pag-asa namin ay wagas.

Kayo po ay aming mahal,
Habang kami’y may hininga;
Ang inyo pong pangangaral
Sa amin ay mahalaga.

Dalangin namin sa Diyos,
Patnubayan kayong lagi;
Sa biyaya ay mapuspos,
Kalusuga’y manatili.

Ang Diyos ay pinupuri,
Kami’y Iglesia Ni Cristo;
At nagagalak po kami,
Salamat po, Ka Eduardo.
Form: Quatrain

864 Pag-asa kay San Jose ng Dumarao

864.
Pag-asa kay San Jose ng Dumarao

(1) Noong naghahanap ako
Ng ikapito kong trabaho
Nagnobena ako sa Simbahan ng Dumarao
At humiling kay San Jose dito
Na bigyan ako muli ng trabaho

(2) Nakinig Siya sa panalangin ko
Ako ay muling nakapagtrabaho
Sa aming munisipyo
Kahit noon ay nag-resign ako dito
Pangalawang pagkakataon ko na ito

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si San Jose ng Dumarao
Salamat sa Inyo
Sa pagdinig ng panalangin ko
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang naging gaya ko
Na walang trabaho
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Kapag nagnobena rin sila sa Iyo

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay San Jose ng Dumarao".

-03/19/2025
(Dumarao)
*Feast Day of San Jose...
4 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem
Form: Rhyme


557 Ang TED sa Puso Ko

557.

Ang TED sa Puso Ko



Ang TED sa puso ko ay parang Lireo ng Encantadia

Bughaw ang simbolong kulay nila

Narito ang mga Sanggre o dugong bughaw ng Encapsudia

Danaya/Dela Cruz, Amihan/Arriola, Pirena/Penson, Alena/Araneta



Ang TED sa puso ko ay parang Terran sa Starcraft na laro

Bughaw ang sagisag na kulay ng mga ito

Nais nila ang pangunguna at pamumuno

Nasa dugo ng lahing tao – katangian ng pagiging guro



Ang TED sa puso ko ang nagturo sa akin

Kung paano ang pagiging guro ay tangkilikin at mahalin

Mag-aaral higit sa lahat ang dapat unahin

Responsibilidad sa klase ang dapat atupagin



Ang TED sa puso ko ay parang Terran at Lireo

Dito ko nadama ang pangarap kong totoo

Ang maging tao na makaguro, ang maging guro na makatao

Salamat sa mga taga-TED na naging bahagi ng buhay ko!



-10/23/2017

(Dumarao)

*a tribute to TED of CapSU-Dumarao
Form: Rhyme

851 My Christmas & New Year 2023 Message for my Family

851.
My Christmas & New Year 2023 Message for my Family

(1) For Tatay, mahal na mahal kita…
Pasensiya na…
Kung dito ko sinasabi hah…
Pero sana iyo itong mabasa o makita…

(2) Salamat talaga sa suporta…
At pagmamahal simula,,,
Nung ako ay bata pa…
Salamat sa marami pang iba…

(3) Sorry talaga kung…
Sumasagot ako sa iyo kung minsan…
Sana iyong maintindihan…
At hindi iyon kalapastanganan…

(4) Hayaan mo…
Kapag regular na ako…
Sa aking trabaho…
May “treat” ka lingo-linggo…

(5) For Nanay, mahal na mahal kita…
Pasensiya na…
Kung dito ko sinasabi hah…
Pero sana iyo itong mabasa o makita…

(6) Salamat talaga sa pag-aaruga…
At pagmamahal simula…
Nung ako ay bata pa…
Salamat sa marami pang iba…

(7) Sorry talaga kung…
Sumasagot ako sa iyo palagi…
Sana ikaw ay makaintindi…
At hindi iyon pang-aapi…

(8) Hayaan mo…
Kapag regular na ako…
Sa aking trabaho…
Babayaran ko mga utang mo…

(9) For Nene Angel, mahal kita…
Pasensiya na…
Kung dito ko sinasabi hah…
Pero sana iyo itong mabasa o makita…

10) Salamat talaga sa pagsuporta…
At pagmamahal simula…
Nung tayo ay bata pa…
Salamat sa marami pang iba…

(11) Sorry talaga kung…
Inaaway kita kung minsan…
Sana ikaw ay makaintindi…
At hindi iyon pambu-bully…

(12) Hayaan mo…
Kapag regular na ako…
Sa aking trabaho…
Ako na bibili ng maintenance ko…

(13) Sa aking pamilya…
Mahal na mahal ko kayo talaga…
Salamat talaga nang marami hah…
Sorry sa mga pagkukulang ko't iba pa,,,

Sinasabi ko ito sa inyo dito…
Hindi bilang pagpapakitang-tao…
Ung iba kasi nagpo-post lang ng ganito…
Kapag nasa burol na ang sinasabihan nito…

-12/13/2023
(Dumarao)
*with guidance from the
Our Mother of Perpetual Help
Form: Rhyme

856 Salamat, Liberal

856.
Salamat, Liberal

(1) Ako ay tutula nang maikling-maikli
Para sa 78th Birthday ng Liberal Party

(2) Isang tula ng pasasalamat
Para sa inyong lahat

(3) Salamat dahil noong si PNoy ang Pangulo
Ako ay ginawa niyong isang guro

(4) Sa Capiz State University
Kung saan 2010-2016 ako nanatili

(5) Salamat dahil may papel akong ginampanan
Dito sa Dumarao na aming bayan

(6) Kahit kayong mga Liberal ay aking kinontra
Ako'y binuhay at tinulungan pa

(7) Kaya bilang munting ganti sa inyong kabutihan
Proverbs 16:17 sa inyo ay aking iiwan.

-01/19/2024
(Dumarao… my gift for the
78th Birthday of Liberal Party
of the Philippines)
Form: Rhyme

320 Huling Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

320.

Huling Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas



Enero Diez y Nueve, Dos mil Kinse

Tulad ng pagdating, pag-alis naging simple

Subalit tulad ng unang araw

Mga nag-antabay sa daan nag-umapaw

‘Di parin natinag ang hiyawan

Ng mga taong sumalubong sa lansangan

Tulad ng pagdatal, panahon ay maganda

Napakaganda ng araw sa umaga

Paglipas ng mga araw na inulan

Bumalik din sa maaraw na pinagmulan

Mula umpisa hanggang sa wakas

Lulan parin ng Pope Mobile na bukas

Sa Villamor meron paring sayawan

Tulad ng unang paglapag sa bayan

Salamat sa wakas maayos na nakabalik

Ang Supremo ng Simbahan na sa bansa humalik.



-01/20/2015

(Dumarao)

*Pope Francis Fever Collection
Form: Rhyme

Premium Member Wedding Bliss

God be praised for today’s wondrous altar date
That you, very new couple, 
Brother Noel and Sister Berlin became one flesh*…
Tied in the Lord’s love of blissful blessings.

We jubilantly greet you with our earnest prayer
For grand togetherness in your faith-venture
As brand new husband and wife… 
Expressing your thanksgiving, glorifying the Saviour. 

In your family-building commencement
Along courageous commitment of biblical pursuit
Midst relationship anchored upon Christ’s truth and grace…
We are with you, your church brethren.

Thus, leaving your homes and cleaving to each other
Keep your love’s fire of fidelity’s fuel burning
While serving Your Master Who both called you…
To fulfill His purpose gladly as Mr. and Mrs. Paquit.

*Matthew 19:6 Wherefore they are no more twain, but one flesh. What therefore God hath joined together, let not man put asunder. 

September 23, 2019

PAGBATI SA BAGONG KASAL

Sa inyo, bagong Mr. and Mrs. Noel at Berlin Paquit --- pagbati ang aming hatid…
Ang Panginoon ang purihin sa inyong maligayang pag-iisang dibdib
Tunay ngang ang Diyos ang Siyang nagtali sa inyo sa Kanyang malingap na lubid
Dahil Siya na rin ang nagbukas sa inyong mga pusong sa isa’t isa noo’y nakapinid
Upang tanggaping itinalaga kayong maging iisa sa Kanyang katotohanang ipinamatid.

Salamat sa Diyos sa Kanyang mabiyayang pag-aarugang sa inyo’y nagtaguyod
Kaya kayo ngayo’y humantong sa dambana na magkasamang lumuhod
Ipinapaalam sa mga saksi, kaibigan o sinumang nakikinood
Na kayo nga’y sa isa’t isa maging matapat, di tatalikod
Hanggang humina na ang inyong mga tuhod at parehas nang nakatungkod.

Ang Panginoon ang maluwalhati sa pagpapasakop ninyo sa Kanyang kalooban
Salamat sa ating Pastor sa kanyang gabay sa inyong pagsunod nang may kasiyahan
Ganundin sa simbahang itinatag ni Kristong inyong pinaglilingkuran…
Habang binubuo ninyo ang pamilyang Salita ng Diyos ang sandigan
Panalangin naming kakitaan nawa kayo ng marubdob na pagmamahalan.
Muli, binabati namin kayo sa matagumpay na kasalan,
Mabuhay ang bagong kasal!!! … ating mabunying ipagsigawan.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace