Long Kayo Poems
Long Kayo Poems. Below are the most popular long Kayo by PoetrySoup Members. You can search for long Kayo poems by poem length and keyword.
191.
Saklolo, San Pedro Calungsod!
Ako po'y katulad niyo na nangaral din lamang
At layong ituwid ang ilang mga hakbang
Ngunit panganib ang siyang umabang
Itinuring na sigalot ng iba
Naging masakit sa kanilang mga mata
Kaya aking mga hakbangin ay sinawata
Inihulog sa dagat na malalim
Kung saan pag-ahon ay marilim
Tuluyang bumulusok pailalim
Maaaring ako'y hindi na makaahon
Tuluyang igugupo upang maturan din ng leksiyon
‘Di narin mahahampas pa ng mga alon
Subalit habang nariyan po kayo
Ako'y nananalig at hihingi ng saklolo
Nawa'y mapakinggan at matulungan po ako!
-10/24/2012
(Dumarao)
*My Twilight Poems Collection
799.
Ang Alamat ng Edi Wow
Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang papuring kantiyaw
Ay “Edi Wow”?
Gumawa nang maayos
Gawain ay natapos
Pero di masaya
Parang kulang pa
Natalo ang kaaway
Natamo ay tagumpay
Pero kulang pa
Parang di masaya
Kung inggit o suya
Huwag nang magsalita
Huwag kang plastik!
Better huwag umimik!
Kung di mapigilan ang kaplastikan
Lumayo ka nalang sa kinaiinisan
Kung di mo tanggap ung panalo niya
Idaan sa tama ang iyong protesta
Mangusap nang direkta
Kung tapat at tunay ka
Huwag idaan sa ganyan
Ang BOSSes mong talunan
“Kayo ang BOSSes ko” – cnong nauto?
Binaliktad mo pa ang mundo!
Maraming BOSSes laban sa'tin
Liberal Voices #SanaAll MAuBUS din!
-07/30/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang mga Expressions
862.
Pag-asa kay Santo Niño
(1) Noong bata pa ako
Sa bahay namin sa Casimiro
Nang ako'y nasa pang-unang grado
Humiling ako sa aming Santo Niño
Na bigyan ng kapatid ako
(2) Dininig Niya ang hiling ko
Nagkaroon ng kapatid ako
Nung ako'y nasa pangalawang grado
Kahit may edad na Nanay ko
At Caesarian labor pa ito
(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Santo Niño
Salamat sa Inyo
Sa pagtupad ng dasal ko
Purihin at pasalamatan Kayo
(4) Tulungan Niyo rin po
Ang mga naging gaya ko
Na magkaroon ng kapatid ang gusto
Tulungan Niyo rin po ang mga ito
Kapag dumulog sila sa Inyo
(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Santo Niño".
-01/19/2025
(Dumarao)
*Feast Day of Santo Niño....
2 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem
798.
Ang Alamat ng May Nanalo Na
Bakit at paano nga ba
Na ang tawag sa
Kanilang ayaw mag-protesta
Na natalo ay “May Nanalo Na”
Bawal RAO magreklamo
Dahil “Finish Na” ang laRO
Kanila ang Ginto
May bacon pang sobrang luto
Ao! Aw! May sumigaw ng “Ihaw”
Katayin RAo asong nakabubulahaw
Barking on the wrong tree RAo kc
Biting RAo the hand of Mineral Mommy
Para raw si Mojo Jojo ng Puff City
Overcooked daw ang Nognog ng Makati
Dahil kinagat din ang Liberal
Tama lang na Dina magtagal
Kaya karaka-RAka, binuo si MiJo…
Inspired by Miriam Hall kung saang nagluto…
And also VP Jojo na ininsulto
Ito ang multo ng pang-TWO sa pwesto!
Cge sbi pa ng: “Push mo yan, teh!”
Umasa… Nasaktan… Nagbig-BAE!...
Macho-gwapito migo ni Jose…
Kaya react nila: “Wag kang pabeBE!”
Wag kaung mag-alala sa Birheng Lola
Matakot kayo sa kanyang Valedora
SAF44 at Warriors F4... ipaghihiganti
Sa pagpatak ng Countdown to thirty!
-07/29/2020
(Dumarao)
*Alamat ng Kanilang Mga Expressions
863.
Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro
(1) Noong kukuha ako
Ng Board Exam sa pagka-guro
Dumulog ako sa Katedral ng Jaro
At humiling sa Birhen ng Candelaria dito
Na papasahin ako sa exam na ito
(2) Pinakinggan Niya ang aking samo
Ako ay naging pasado
Sa Board Exam ng pagka-guro
Kahit mahirap ito
At komplikado ang proseso
(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Birhen ng Candelaria sa Jaro
Salamat sa Inyo
Sa pagtupad ng hiling ko
Purihin at pasalamatan Kayo
(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang nais maging pasado
Sa Board Exam ng pagka-guro
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Lalo na ang dumulog sa Katedral ng Jaro
(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro".
-02/02/2025
(Dumarao)
*Feast Day of the Our Lady of Candles...
3 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem
857.
Sorry, Liberal
(1) Ako ay tutula nang maikling-maikli
Para sa 78th Birthday ng Liberal Party
(2) Isang tula ng pag-sorry
Para sa lahat ng nasa Liberal party
(3) Sana tayo ay magbati na
Dahil ang isa't isa'y ating kinontra
(4) Kinontra ko kayo
Kinontra niyo ako
(5) At dahil ako ang pasimuno
Ako rin ang tatapos dito
(6) Sa ating kaytagal nang hidwaan
Na parang wala na yatang katapusan
(7) Kaya bilang tugon sa panawagang pagkakaisa
Ng UniTeam o BBM-Sara na dakila
(8) Hayaan niyo po ako na makipagkasundo
Proverbs 16:8 ay iiwan ko sa inyo.
-01/19/2024
(Dumarao… my gift for the
78th Birthday of Liberal Party
of the Philippines)
851.
My Christmas & New Year 2023 Message for my Family
(1) For Tatay, mahal na mahal kita…
Pasensiya na…
Kung dito ko sinasabi hah…
Pero sana iyo itong mabasa o makita…
(2) Salamat talaga sa suporta…
At pagmamahal simula,,,
Nung ako ay bata pa…
Salamat sa marami pang iba…
(3) Sorry talaga kung…
Sumasagot ako sa iyo kung minsan…
Sana iyong maintindihan…
At hindi iyon kalapastanganan…
(4) Hayaan mo…
Kapag regular na ako…
Sa aking trabaho…
May “treat” ka lingo-linggo…
(5) For Nanay, mahal na mahal kita…
Pasensiya na…
Kung dito ko sinasabi hah…
Pero sana iyo itong mabasa o makita…
(6) Salamat talaga sa pag-aaruga…
At pagmamahal simula…
Nung ako ay bata pa…
Salamat sa marami pang iba…
(7) Sorry talaga kung…
Sumasagot ako sa iyo palagi…
Sana ikaw ay makaintindi…
At hindi iyon pang-aapi…
(8) Hayaan mo…
Kapag regular na ako…
Sa aking trabaho…
Babayaran ko mga utang mo…
(9) For Nene Angel, mahal kita…
Pasensiya na…
Kung dito ko sinasabi hah…
Pero sana iyo itong mabasa o makita…
10) Salamat talaga sa pagsuporta…
At pagmamahal simula…
Nung tayo ay bata pa…
Salamat sa marami pang iba…
(11) Sorry talaga kung…
Inaaway kita kung minsan…
Sana ikaw ay makaintindi…
At hindi iyon pambu-bully…
(12) Hayaan mo…
Kapag regular na ako…
Sa aking trabaho…
Ako na bibili ng maintenance ko…
(13) Sa aking pamilya…
Mahal na mahal ko kayo talaga…
Salamat talaga nang marami hah…
Sorry sa mga pagkukulang ko't iba pa,,,
Sinasabi ko ito sa inyo dito…
Hindi bilang pagpapakitang-tao…
Ung iba kasi nagpo-post lang ng ganito…
Kapag nasa burol na ang sinasabihan nito…
-12/13/2023
(Dumarao)
*with guidance from the
Our Mother of Perpetual Help
A Beacon of Hope
A beacon of hope
from the darkness of pandemic.
A ray that seems to itinerant
to destroy the darkness which is spread over the world.
Pandemic engulfed all human beings,
darkness is dense everywhere.
All are waiting for the sun to rise
to kayo this wickedness.
A ray of hope
is within us .
We must bring this silver line out,
we must fight against this pandemic.
Our rosy outlook empowers ,
It fills us with great energy and enthusiasm.
We must build such domain,
where gloom is powerless to enter.
The mother nature is showing us
the path of being human.
Let's fight together
by being sensible and sensitive
and being dependable....in unity.....we win....
Salamat po, Ka Eduardo,
Sa inyo pong pagmamahal;
Inaakay n’yo ang tao
Patungo sa bayang banal.
Kahit mapagod, mapuyat
Ay hindi n’yo alintana;
Ang mahalaga'y matupad
Ang tungkulin n’yo sa Ama.
Ang Iglesia’y tinitipon
Sa lahat halos ng dako;
Panganib ay sinusuong,
Iniikot itong mundo.
Dama ng mga pinili
Ang inyo pong pagsasakit;
Kami‘y hindi masasawi,
Kaligtasa’y makakamit.
Walang iba pang hangarin
Kundi para sa Iglesia;
Nagtagumpay ang mithiin
Sa inyo pong pangunguna.
Sa inyong pangangasiwa,
Puso po ang nangungusap;
Kami ay di nagsasawa,
Pagsamba ay laging hanap.
Pasasakop kaming lubos
Sa Lider Pangkalahatan;
Kami na mga tinubos,
Pagsunod ay di iiwan.
Tutuparin ang tungkulin,
Totoo hanggang sa wakas;
Tatapusin ang takbuhin,
Pag-asa namin ay wagas.
Kayo po ay aming mahal,
Habang kami’y may hininga;
Ang inyo pong pangangaral
Sa amin ay mahalaga.
Dalangin namin sa Diyos,
Patnubayan kayong lagi;
Sa biyaya ay mapuspos,
Kalusuga’y manatili.
Ang Diyos ay pinupuri,
Kami’y Iglesia Ni Cristo;
At nagagalak po kami,
Salamat po, Ka Eduardo.
187.
Panaghoy kay PNoy
Katabi ko na sana
Ang tiyak na pag-asa
Subalit ako'y napariwara
Nang matukso ng mga kalaban
Na lumihis ng daan
At talikuran ang pinanggalingan
Kapalaran bumaluktot
Pangarap naudlot
Itinuring pang salot
Sa landas nagkandaligaw-ligaw
Nagkapundi-pundi ang tanglaw
Kinabukasan waring napupugnaw
Pati mga minamahal nadamay
Sa palubog na barko isinakay
Natibag ang mga suhay
Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim
Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim
Huwag sana tuluyang igupo sa lagim
Kung ako'y naging mahina, sana'y patawarin
Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin
Nawa'y pakinggan po ang aking panalangin
Na ako'y ibalik sa tunay na pinagmulan
Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan
At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan.
-07/31/2012
(Dumarao)
*My Twilight Poems Collection