187 Panaghoy kay PNoy

187.

Panaghoy kay PNoy



Katabi ko na sana

Ang tiyak na pag-asa

Subalit ako'y napariwara



Nang matukso ng mga kalaban

Na lumihis ng daan

At talikuran ang pinanggalingan



Kapalaran bumaluktot

Pangarap naudlot

Itinuring pang salot



Sa landas nagkandaligaw-ligaw

Nagkapundi-pundi ang tanglaw

Kinabukasan waring napupugnaw



Pati mga minamahal nadamay

Sa palubog na barko isinakay

Natibag ang mga suhay



Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim

Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim

Huwag sana tuluyang igupo sa lagim



Kung ako'y naging mahina, sana'y patawarin

Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin

Nawa'y pakinggan po ang aking panalangin



Na ako'y ibalik sa tunay na pinagmulan

Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan

At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan.



-07/31/2012

(Dumarao)

*My Twilight Poems Collection
Copyright © | Year Posted 2026

Poem

Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Be the first to comment on this poem. Encourage this poet.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace