Klase Poems | Examples


List of Member Poems

805 CoViD sa Edukasyon

805.
CoViD sa Edukasyon

Itong si CoViD na pandemya
Sa Edukasyon nagpaantala
Mga klase itinigil muna
Mga aktibidades sa paaralan ipinakansela

Nang CoViD ay lumaganap na
Bilang isang pandaigdigang pandemya
Mga estudyante sa bahay muna
Nag-online classes at modules sila

Oh CoViD sa mundo, tama na!
Sa Edukasyon umalis ka na!
Mga mag-aaral balik-eskwela na!
Mga paaralan ay buksan na!

-01/08/2022
(Dumarao)
*CoViD sa Mundo

557 Ang TED sa Puso Ko

557.

Ang TED sa Puso Ko



Ang TED sa puso ko ay parang Lireo ng Encantadia

Bughaw ang simbolong kulay nila

Narito ang mga Sanggre o dugong bughaw ng Encapsudia

Danaya/Dela Cruz, Amihan/Arriola, Pirena/Penson, Alena/Araneta



Ang TED sa puso ko ay parang Terran sa Starcraft na laro

Bughaw ang sagisag na kulay ng mga ito

Nais nila ang pangunguna at pamumuno

Nasa dugo ng lahing tao – katangian ng pagiging guro



Ang TED sa puso ko ang nagturo sa akin

Kung paano ang pagiging guro ay tangkilikin at mahalin

Mag-aaral higit sa lahat ang dapat unahin

Responsibilidad sa klase ang dapat atupagin



Ang TED sa puso ko ay parang Terran at Lireo

Dito ko nadama ang pangarap kong totoo

Ang maging tao na makaguro, ang maging guro na makatao

Salamat sa mga taga-TED na naging bahagi ng buhay ko!



-10/23/2017

(Dumarao)

*a tribute to TED of CapSU-Dumarao

Ldr

LDR siya kung tawagin
Kalokohan lang para sa akin
Sapagkat ang ganitong klase ng relasyon
Sakit at pighati lang ang pabaon

Minsan ko na naranasan ang magsugal
Sa sitwasyon na alam kong hindi magtatagal
Nasayang lang ang ginugol na oras
At ang pagmamahal na parang wala ng bukas

Kelanman hindi sapat ang internet at telepono
Dahil sa ang mundo ngayon ay puno ng tukso
Ang daming pangako na sadyang napapako
Mula sa isang taong malayo

Ayoko na ilagay ang sarili ko
Sa isang tao na hindi ako sigurado
Ang dagat ay isang napakalaking pagitan
At napakahirap kung langit lang ang kapwa namin titignan

OO takot na akong masaktan muli
Ako lang din ang iiyak sa bandang huli
Takot na rin akong umasa
Baka pagising ko mawalan na ako ng pag-asa

LDR ay isang napakalaking hamon
Hangga’t maaga pa sa limot na ito ibaon
Hihintayin na lang ang tamang pagkakataon
Na magmahal sa iisang lugar sa itinakdang panahon


Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace