Ito Poems | Examples

List of Member Poems

880 Aral sa 7 kong Trabaho 7: MSWDO

880.
Aral sa 7 kong Trabaho 7:
MSWDO

Ang Pampito kong pinagtrabahuan
DSWD/MSWDO sa aming bayan

Bilang isang Job Order
Na Computer Encoder

Sa computer ako ay naglagay
Ng mga datos at importanteng bagay

Tungkol sa mga matatanda
Senior Citizens ng aming banwa

Subalit tinanggal ako
Dahil daw sa text ko

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

2 taon na sana ako sa DSWD
Kung natutunan kong magtimpi.

-09/25/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho

879 Aral sa 7 kong Trabaho 6: Assumption

879.
Aral sa 7 kong Trabaho 6:
Assumption

Ang Pang-anim kong pinagtrabahuan
Assumption na Paaralan

Bilang isang Titser
Contractual na Teacher

Sa mga bata ako ay nagturo
Mga batang hayskul na Katoliko

Tinuruan ko sila
Nang may kakaibang sistema

Subalit nagpaalam ako
Dahil sa mga rasong komplikado

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

3 taon na ako doon sana
Kung natutunan kong magtantiya.

-09/25/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho

878 Aral sa 7 kong Trabaho 5: OLSI

878.
Aral sa 7 kong Trabaho 5:
OLSI

Ang Panglima kong pinagtrababuan
OLSI na Paaralan

Bilang isang Titser
Contractual na Teacher

Sa mga bata ako ay nagturo
Mga batang hayskul na Katoliko

Tinuruan ko sila
Ng iba't ibang asignatura

Subalit nag-AWOL ako
Dahil sa problemang halu-halo

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

6 taon na ako doon sana
Kung natutunan kong magpasensiya.

-09/25/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho


877 Aral sa 7 kong Trabaho 4: MAO

877.
Aral sa 7 kong Trabaho 4:
MAO

Ang Pang-apat kong pinagtrababuan
MAO sa aming bayan

Bilang isang Job Order
Na Computer Encoder

Sa computer ako ay naglagay
Ng mga datos at mahalagang bagay

Tungkol sa mga nagawa
Ng mga katrabaho sa opisina

Subalit nag-resign ako
Dahil gusto ko ulit magturo

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

7 taon na ako doon sana
Kung natutunan kong magtiyaga.

-09/24/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho

876 Aral sa 7 kong Trabaho 3: CAPSU

876.
Aral sa 7 kong Trabaho 3:
CAPSU

Ang Pangatlo kong pinagtrababuan
CAPSU na Paaralan

Bilang isang Titser
Contractual na Teacher

Sa mga bata ako ay nagturo
Mga batang nasa Kolehiyo

Tinuruan ko sila
Ng English, Communication, History at iba pa

Subalit nag-reklamo ako
Dahil mga contestants ko ay natalo

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

15 taon na sana ako sa paaralang ito
Kung natutunan kong magrespeto.

-09/23/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho

875 Aral sa 7 kong Trabaho 2: Fermat

875.
Aral sa 7 kong Trabaho 2:
Fermat

Ang Pangalawa kong pinagtrababuan
Fermat na Paaralan

Bilang isang Titser
Contractual na Teacher

Sa mga bata ako ay nagturo
Mga Batang Koreano

English ay tinuruan ko sila
Bumasa, umunawa, sumulat, magsalita

Subalit nag-leave/AWOL ako
Dahil na-homesick sa trabaho

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

15 taon na sana ako sa paaralang ito
Kung natutunan kong magsakripisyo.

-09/22/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho


874 Aral sa 7 kong Trabaho 1: Kapitolyo

874.
Aral sa 7 kong Trabaho 1:
Kapitolyo

Ang Una kong pinagtrababuan
Kapitolyo ng aming lalawigan

Bilang isang Job Order
Na Computer Programmer

Sa computer ako ay nagsulat
Ng mga balita at ulat

Tungkol sa mga nagawa
Ng Gobernador ng aming probinsiya

Subalit nag-resign ako
Dahil sa mababang sweldo

Kung hindi ko ito ginawa
Ako ay naroon pa sana

15 taon na sana ako sa Kapitolyo
Kung natutunan kong makuntento.

-09/21/2025
(Dumarao)
*7 Aral sa 7 Kong Trabaho

872 Tula Para sa Bayan 7: Itiman

872.
Tula Para sa Bayan 7: Itiman

Isang arao, nabuo ang Itiman
Isang kilusan para sa bayan
Kanilang mga pasimuno
Sina Imee at kontra-gobierno

Nabuo ngayong Pangulo
Si BBM ng bansang ito
Sinakop ang Social Media
Lumaganap sa buong bansa

Upang labanan ang katiwalian
Na talamak sa pamahalaan
Sa pamamagitan ng mga pagtitipon
Sa iba't ibang panig ng nasyon

Ngunit nakamit ba ang ipinaglalaban
Na katapatan sa taumbayan
Taumbayang hindi dapat pagnakawan
Ng pera sa kanilang kaban?

-09/20/2025
(Dumarao)
*8 Napapanahong Tula
Para sa Bayan

865 Pag-asa sa Pamilyang Sagrado

865.
Pag-asa sa Pamilyang Sagrado

(1) May pag-asa kay Hesus Nazareno
Pangalawang Patron ng Quiapo
Ang Kapistahan ay ika-9 ng Enero
Tinulungan Niya ako
Makapagtapos ng Kolehiyo

(2) May pag-asa kay Santo Niño
Patron ko sa Casimiro
Ang Kapistahan ay ika-19 ng Enero
Tinulungan Niya ako
Magkaroon ng kapatid na bunso

(3) May pag-asa kay Candelaria ng Jaro
Patron ng Jaro sa Iloilo
Ang Kapistahan ay ika-2 ng Pebrero
Tinulungan Niya ako
Makapasa sa Board Exam ng Guro

(4) May pag-asa kay San Jose ng Dumarao
Pangalawang Patron ng bayan ko
Ang Kapistahan ay ika-19 ng Marso
Tinulungan Niya ako
Magkaroon muli ng trabaho

(5) Hesus, Maria, Jose - mga Patron ko
Pamilyang Banal, Pamilyang Sagrado
Sila ang pag-asa ng bawat tao
Tumulong sa akin, tutulong din sa inyo
Salamat sa Dios sa pamilyang ito.

-05/25/2025
(Dumarao)
*5 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem

864 Pag-asa kay San Jose ng Dumarao

864.
Pag-asa kay San Jose ng Dumarao

(1) Noong naghahanap ako
Ng ikapito kong trabaho
Nagnobena ako sa Simbahan ng Dumarao
At humiling kay San Jose dito
Na bigyan ako muli ng trabaho

(2) Nakinig Siya sa panalangin ko
Ako ay muling nakapagtrabaho
Sa aming munisipyo
Kahit noon ay nag-resign ako dito
Pangalawang pagkakataon ko na ito

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si San Jose ng Dumarao
Salamat sa Inyo
Sa pagdinig ng panalangin ko
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang naging gaya ko
Na walang trabaho
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Kapag nagnobena rin sila sa Iyo

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay San Jose ng Dumarao".

-03/19/2025
(Dumarao)
*Feast Day of San Jose...
4 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem

863 Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro

863.
Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro

(1) Noong kukuha ako
Ng Board Exam sa pagka-guro
Dumulog ako sa Katedral ng Jaro
At humiling sa Birhen ng Candelaria dito
Na papasahin ako sa exam na ito

(2) Pinakinggan Niya ang aking samo
Ako ay naging pasado
Sa Board Exam ng pagka-guro
Kahit mahirap ito
At komplikado ang proseso

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Birhen ng Candelaria sa Jaro
Salamat sa Inyo
Sa pagtupad ng hiling ko
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang nais maging pasado
Sa Board Exam ng pagka-guro
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Lalo na ang dumulog sa Katedral ng Jaro

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro".

-02/02/2025
(Dumarao)
*Feast Day of the Our Lady of Candles...
3 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem

862 Pag-asa kay Santo Nino

862.
Pag-asa kay Santo Niño

(1) Noong bata pa ako
Sa bahay namin sa Casimiro
Nang ako'y nasa pang-unang grado
Humiling ako sa aming Santo Niño
Na bigyan ng kapatid ako

(2) Dininig Niya ang hiling ko
Nagkaroon ng kapatid ako
Nung ako'y nasa pangalawang grado
Kahit may edad na Nanay ko
At Caesarian labor pa ito

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Santo Niño
Salamat sa Inyo
Sa pagtupad ng dasal ko
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang mga naging gaya ko
Na magkaroon ng kapatid ang gusto
Tulungan Niyo rin po ang mga ito
Kapag dumulog sila sa Inyo

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Santo Niño".

-01/19/2025
(Dumarao)
*Feast Day of Santo Niño....
2 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem

861 Pag-asa kay Jesus Nazareno

861.
Pag-asa kay Jesus Nazareno

(1) Noong ako ay nasa Kolehiyo
Nagsimba ako sa Quiapo
At humiling sa Poong Nazareno
Na tulungan Niya ako
Na makapagtapos ng pag-aaral ko

(2) Tinupad Niya ang dasal ko
Aking natapos ang Kolehiyo
Kahit ako ay huminto
Kahit may bagsak pang grado
Pero naayos ko parin ang mga ito

(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Hesus Nazareno
Salamat sa Inyo
Sa pagdinig ng aking samo
Purihin at pasalamatan Kayo

(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang mag-aaral sa Kolehiyo
Na dumudulog sa Inyo
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Na tertiarya nila ay makumpleto

(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Hesus Nazareno".

-01/09/2025
(Dumarao.... Feast Day of Nazareno....
1 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem)

859 Milagro sa Padagyaw Beinte-Beinte Kwatro

859.
Milagro sa Padagyaw Beinte-Beinte Kwatro

Ika-1 ng Agosto
Beinte-Beinte Kwatro
Dumalo ako sa Parada
Kasama ang matatanda
Sila ay mga Pangulo
Ng OSCA sa bayang ito
Kami rin ay sama-sama
Nananghalian sa OSCA

Ika-2 ng Agosto
Beinte-Beinte Kwatro
Pakiramdam ko ay masama
Pero pumasok parin sa opisina
Masakit ang tiyan at dibdib ko
Parang may hangin at asido
Sumugod ako sa pagamutang dalawa
Mga gamot sa akin ay inireseta

Ika-3 ng Agosto
Beinte-Beinte Kwatro
Habang ako ay nasa Novena
Ako ay may LBM pa
Subalit nang makasama ko na po
Ang mga DES batchmates ko
Sa aming DES Reunion na Una
Himalang pakiramdam ko ay gumanda.

-08/03/2024
(Dumarao… 1st Grand Alumni Homecoming
of Dumarao Elementary School
during Padagyaw 2024)

826 Pagmamakaawa kay Prof De Vera

826.
Pagmamakaawa kay Prof. De Vera

Oh Mahal kong Prof. Popoy De Vera
Ako sa iyo ay nagmamakaawa
Ibalik mo po ako
Sa CapSU na pinagmulan ko

Bilang AO sa opisina
Na guro rin sa mga bata
Na nasa kolehiyo
Sa kanila ako hiyang na magturo

Hindi ako hiyang sa Elementarya
Ganundin sa Sekondarya
Sa Fermat at OLSI nasubukan ko
Hindi ako nagtagal sa mga ito

Hindi ko narin po kaya
Na sa DepEd magpa-Ranking pa
Sana sa CapSU nalang po ako
Dati akong History Teacher dito

Nalagpasan ko na Hiring Process nila
Waiting nalang ako sa magiging resulta
Tulungan mo po ako
Na ako ang piliin ng mga ito.

Gaya mo, ako ay UP Graduate din na
Pwedeng mamuno habang nagtuturo.

-10/26/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback

Sub Categories

Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.

Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace