863.
Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro
(1) Noong kukuha ako
Ng Board Exam sa pagka-guro
Dumulog ako sa Katedral ng Jaro
At humiling sa Birhen ng Candelaria dito
Na papasahin ako sa exam na ito
(2) Pinakinggan Niya ang aking samo
Ako ay naging pasado
Sa Board Exam ng pagka-guro
Kahit mahirap ito
At komplikado ang proseso
(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Birhen ng Candelaria sa Jaro
Salamat sa Inyo
Sa pagtupad ng hiling ko
Purihin at pasalamatan Kayo
(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang nais maging pasado
Sa Board Exam ng pagka-guro
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Lalo na ang dumulog sa Katedral ng Jaro
(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Birhen ng Candelaria sa Jaro".
-02/02/2025
(Dumarao)
*Feast Day of the Our Lady of Candles...
3 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem
861.
Pag-asa kay Jesus Nazareno
(1) Noong ako ay nasa Kolehiyo
Nagsimba ako sa Quiapo
At humiling sa Poong Nazareno
Na tulungan Niya ako
Na makapagtapos ng pag-aaral ko
(2) Tinupad Niya ang dasal ko
Aking natapos ang Kolehiyo
Kahit ako ay huminto
Kahit may bagsak pang grado
Pero naayos ko parin ang mga ito
(3) Oh! Purihin ang Dios ko
Purihin si Hesus Nazareno
Salamat sa Inyo
Sa pagdinig ng aking samo
Purihin at pasalamatan Kayo
(4) Tulungan Niyo rin po
Ang ibang mag-aaral sa Kolehiyo
Na dumudulog sa Inyo
Tulungan Niyo rin ang mga ito
Na tertiarya nila ay makumpleto
(5) Upang ang purihin ay Kayo
Upang ang pasalamatan ay Kayo
Kayo ang pag-asa ng mga ito
Oh! Dios ko patunayan Niyo
Na may "Pag-asa kay Hesus Nazareno".
-01/09/2025
(Dumarao.... Feast Day of Nazareno....
1 of 5 "Jubileo ng Pag-asa" poem)
856.
Salamat, Liberal
(1) Ako ay tutula nang maikling-maikli
Para sa 78th Birthday ng Liberal Party
(2) Isang tula ng pasasalamat
Para sa inyong lahat
(3) Salamat dahil noong si PNoy ang Pangulo
Ako ay ginawa niyong isang guro
(4) Sa Capiz State University
Kung saan 2010-2016 ako nanatili
(5) Salamat dahil may papel akong ginampanan
Dito sa Dumarao na aming bayan
(6) Kahit kayong mga Liberal ay aking kinontra
Ako'y binuhay at tinulungan pa
(7) Kaya bilang munting ganti sa inyong kabutihan
Proverbs 16:17 sa inyo ay aking iiwan.
-01/19/2024
(Dumarao… my gift for the
78th Birthday of Liberal Party
of the Philippines)
843.
Mahal kong VetMed ng CapSU-Dumarao
Mahal kong VetMed ng CapSU-Dumarao
Minsan kong pinagsilbihan ikaw
Noong panahon ni PNoy dilaw
At ngayong panahon ni PBBM pula
Nais ko muling paglingkuran ka
Sa abot ng aking makakaya
Noon bilang Teacher kasama sina
Doc Lloyd, Doc Neth at iba pa
Ngayon bilang AO ng VetMed sinta
Sinisinta ko ang VetMed talaga
Sa buhay ko siya ay mahalaga
Sisikapin kong mapabuti siya
Kakayanin ko bilang AO
Ako ay magiging kaagapay niyo
Sa de-kalidad na serbisyo.
-11/17/2022
(Dumarao)
*My Loving CapSU
842.
Mahal kong Agri ng CapSU-Dumarao
Mahal kong Agri ng CapSU-Dumarao
Minsan kong pinagsilbihan ikaw
Noong panahon ni PNoy dilaw
At ngayong panahon ni PBBM pula
Nais ko muling paglingkuran ka
Sa abot ng aking makakaya
Noon bilang Teacher kasama sina
Sir Dods, Ma'am Luing at iba pa
Ngayon bilang AO ng Agri sinta
Sinisinta ko ang Agri talaga
Sa buhay ko siya ay mahalaga
Sisikapin kong mapabuti siya
Kakayanin ko bilang AO
Ako ay magiging kaagapay niyo
Sa de-kalidad na serbisyo.
-11/16/2022
(Dumarao)
*My Loving CapSU
841.
Mahal kong Crim ng CapSU-Dumarao
Mahal kong Crim ng CapSU-Dumarao
Minsan kong pinagsilbihan ikaw
Noong panahon ni PNoy dilaw
At ngayong panahon ni PBBM pula
Nais ko muling paglingkuran ka
Sa abot ng aking makakaya
Noon bilang Teacher kasama sina
Sir Fons, Sir Pang at iba pa
Ngayon bilang AO ng Crim sinta
Sinisinta ko ang Crim talaga
Sa buhay ko siya ay mahalaga
Sisikapin kong mapabuti siya
Kakayanin ko bilang AO
Ako ay magiging kaagapay niyo
Sa de-kalidad na serbisyo.
-11/15/2022
(Dumarao)
*My Loving CapSU
Parang kailan lang,
ako'y takot pumasok sa paaralan.
Ewan ko, 'di ko maintindihan
kung bakit ganito
ang aking nararamdaman.
Sa kay habang panahon
na iginugol ko sa paaralan,
ako'y nasa ika-labindalawa na nabaitang.
Oo, minsan ako'y napapagod na rin,
pero ako'y magtitiis pa rin.
Ilang buwan na lang,
ako'y magtatapos na sa sekondarya.
Ang daming memorya
ang bumabalik sa akin.
Nagkaroon ng maraming kaibigan
na hindi ko talaga malilimutan.
Dahil sa paaralan,
mas nakilala ko ang aking katauhan.
Malungkot mang isipin,
ito ay isa sa mga susi na magdadala sa akin
sa buhay na aking nais marating.
840.
Mahal kong TED ng CapSU-Dumarao
Mahal kong TED ng CapSU-Dumarao
Minsan kong pinagsilbihan ikaw
Noong panahon ni PNoy dilaw
At ngayong panahon ni PBBM pula
Nais ko muling paglingkuran ka
Sa abot ng aking makakaya
Noon bilang Teacher kasama sina
Ma'am Glynna, Ma'am Jonna at iba pa
Ngayon bilang AO ng TED sinta
Sinisinta ko ang TED talaga
Sa buhay ko siya ay mahalaga
Sisikapin kong mapabuti siya
Kakayanin ko bilang AO
Ako ay magiging kaagapay niyo
Sa de-kalidad na serbisyo.
-11/14/2022
(Dumarao)
*My Loving CapSU
839.
Mahal kong Admin ng CapSU-Dumarao
Mahal kong Admin ng CapSU-Dumarao
Minsan kong pinagsilbihan ikaw
Noong panahon ni PNoy dilaw
At ngayong panahon ni PBBM pula
Nais ko muling paglingkuran ka
Sa abot ng aking makakaya
Noon bilang Speechwriter nina
Dr. Bede at Dr. Teresita
Ngayon bilang AO ni Dr. Jean sinta
Sinisinta ko ang Admin talaga
Sa buhay ko siya ay mahalaga
Sisikapin kong mapabuti siya
Kakayanin ko bilang AO
Ako ay magiging kaagapay niyo
Sa de-kalidad na serbisyo.
-11/13/2022
(Dumarao)
*My Loving CapSU
838.
Wala Nang Pang-Actualization Needs
Nung ako ay tanggalin
Sa CapSU noong 2016
Actualization Needs ipinagkaila sa'tin
Panggastos sa Masteral wala na
Sa Masteral ko na
Puro “1” aking mga marka
Panggastos sa Trainings wala na
Sa Trainings ko na
Puro pang-eskwela
Panggastos sa Spiritual wala na
Sa Spiritual ko na
Puro pangkaluluwa
Nang sa CapSU alisin ako
Wala na po
Na Pang-Actualization Needs tayo!
-11/11/2022
(Dumarao)
*My Losing CapSU
836.
Wala Nang Pang-Social Needs
Nung ako ay tanggalin
Sa CapSU noong 2016
Social Needs ipinagkaila sa'tin
Panggastos sa birthdays wala na
Birthday ko at ng aking pamilya
Wala nang panregalo at panghanda
Panggastos sa anniversary wala na
Anniversary sa kasal ng ama't ina
Wala nang panregalo at panghanda
Panggastos sa mga okasyon wala na
Gaya ng Pasko, piyesta at iba pa
Wala o konti parin ang panghanda
Nang sa CapSU alisin ako
Wala na o
Na Pang-Social Needs tayo!
-11/09/2022
(Dumarao)
*My Losing CapSU
825.
Pagmamakaawa kina BBM-Sara
Oh Mahal kong BBM-Sara
Ako sa inyo ay nagmamakaawa
Ibalik niyo po ako
Sa CapSU na pinagmulan ko
Bilang AO sa opisina
Na guro rin sa mga bata
Dito ay magagawan ko
Ng mga tula ang ating Pangulo
Gaya ng mga tula
Na aking nagawa
Noon kay Pang. Noynoy Aquino
Sa CapSU ko lang magagawa ito
Hindi ko na yata kaya
Na sa DepEd magparanking pa
Wala na akong panggastos dito
Sana sa CapSU nalang po ako
Mga requirements napasa ko na
Na-interview narin ako nila
Qualified at Eligible po ako
Sa posisyong inaplayan ko
Dito nalang ako sana
Hanggang sa maging Professor ako rito.
-10/25/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback
816.
Pa-Ranking Ko sa Pebrero 2022
Pebrero ng taong ito
Aking inasikaso
Ang Pa-Ranking ko
Sa mga unang lingo
Ang pagpasa ko
Ng aking mga dokumento
Sa mga huling linggo
Ang paghahanda ko
Para sa aking Demo
Isang buwan ng pag-aasikaso
Ng pagpasa ng mga dokumento
Na magtatapos ngayong Pebrero Beinte-Otso.
-02/28/2022
(Dumarao)
*Pa-Ranking Kos a Pebrero
815.
Pa-Ranking Ko sa Pebrero 23, 24, 25
Pebrero 23 ng taong ito
Aking inasikaso
Sa DepEd Online Application ang final documents ko
Pebrero 24 ng taong ito
Aking inasikaso
Ang Contents ng Demo ko
Pebrero 25 ng taong ito
Aking inasikaso
Ang visual aides ng Demo ko
Para sa Pa-Ranking ko
Sa DepEd-Roxas City ngayong Pebrero
Ng taong ito
-02/28/2022
(Dumarao)
*Pa-Ranking Ko sa Pebrero
814.
Pa-Ranking Ko sa Pebrero 20, 21, 22
Pebrero 20 ng taong ito
Aking inasikaso
Ang pagawa ng Lesson Plans ko
Pebrero 21 ng taong ito
Aking inasikaso
Ang pag-print ng Lesson Plan ko
Pebrero 22 ng taong ito
Aking inasikaso
Ang pagpasa ng Lesson Plan at BSEd GWA ko
Para sa Pa-Ranking ko
Sa DepEd-Roxas City ngayong Pebrero
Ng taong ito.
-02/28/2022
(Dumarao)
*Pa-Ranking Ko sa Pebrero
Sub Categories
Looking for the formal definition, structure, and history of this poetry form? Visit the Poetry Dictionary entry below. Then return to explore how PoetrySoup members bring the form to life through their own poems.