Summer Realities
Global warming blaze...
now threatens sunflower bliss
heaven's bright warning*
May 13, 2018
*Revelation 16:8 And the fourth angel poured out his vial upon the sun; and power was given unto him to scorch men with fire.
2nd place, "Haiga - Haiku - Theme Summer" Poetry Contest
Sponsored by Mick Talbot; judged on 6/2/2018.
Sa biyaya ng Panginoon, ang paaralan ng Christian Bible Baptist Academy ay muling nakapagdaos ng mga pagdiriwang pampaaralan. Una ay ang Buwan ng Wika. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Agosto bilang pagkilala sa kahalagahan ng wikang Filipino. Bilang pakikiisa, inilunsad at nagdiwang ang Christian Bible Baptist Academy ang isang masayang gawain at programa noong nakaraang ika-29 ng Agosto, 2025. Pinangunahan ng Junior at Senior High School ang taunang selebrasyon na may temang: "Paglilinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa pagkakaisa ng Bansa" na dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, bisita, magulang at Pastor-Administrator ng naturang paaralan. Tunay ngang pinaghandaan ang selebrasyon na ito mula sa matitingkad na diesenyo hanggang sa Tagapagpadaloy ng Programa na pinangunahan ni Binibining Beata Agustin at Ginoong Julius Dayandayan. Ang una sa programa ay ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos mula sa tagapagsalita, ang pastor ng Christian Bible Baptist Silang Cavite na si Pastor Jerry Villasanta. Siya malugod na nagbahagi mula sa Psalm 133:1 na ang nilalaman ay patungkol sa iba't ibang uri lenggwahe ng isang mananampalataya. Ang Lengwahe ng Kaligtasan, Lengwahe sa Simbahan at Lengwahe sa Tahanan. Tunay nga na naging mabiyayang mensahe ito sa lahat ng manunuod. Papuri sa ating Panginoon at sa kanyang biyaya sa ating mga ligtas sapagkat tunay nga na dapat ang lengwahe natin ay dapat na magsilbing patutuo sa ating tahanan, lipunan at simbahan. Samantala, kalakip ng selebrasyon ay ang presentasyon ng bawat departamento ng paaralan. Masayang nagpasiklaban ng mga talento ang mga mag-aaral ng CBBA sa pagawit, sa Balagtasan maging sa pag-akto at ganap ng "Noli Me Tangere" sa entablado. Mula sa Pre School, ABCs, ika unang baitang hanggang Senior High School tunay ngang masasabi na pinagpala ang bawat mag-aaral. Kasunod sa bawat presentasyon ay ang mga trivia na inilahad ng mga tagapagpadaloy ng programa. Sa kalagitnaan ng programa, inihain at pinagsaluhan ng mga mag-aaral at manunuod ang masarap na meryenda na ihinhanda. Mayroong puto at dinuguan, pansit, biko, mainit na pandesal, malagkit na kakanin at mainit na tsokolate. Sa huli, natapos ang nasabing selebrasyon na may ngiti at galak ang bawat isa. Sa Diyos ang papuri at kaluwalhatian. Ang ikalawang idinaos ay ang Ika-Unang Parents and Teachers Fellowship at Card viewing sa Courageous Dabid Learning Center noong nakaraang ika-8 ng Setyembre, 2025. Masayang dumalo ang mga magulang, mga guro sa conventional maging ang mga fulltime staff sa nasabing pangyayari. Ang programa ay sinimulan ng masayang awitan kasunod nito ay ang tanging bilang na naghanda sa puso ng bawat isa sa pakikinig ng Salita ng Diyos. Tunay ngang mapalad ang bawat isa sapagkat ang Pastor-Administrator ang nagbigay ng eksortasyon sa bawat magulang at guro. Siya ay nagsalita mula sa aklat ng Proverbs 22:6 "Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it." Ayon sa kanyang pangangaral, mapalad ang mga mag-aaral na nasa CBBA sapagkat ito ay isa sa mga ministeryo ng simbahan na may hangarin na maghubog ng mga bata at kabataan para sa Panginoon. Gayundin ang paaralan na ito ay walang ibang pundasyon kundi ang Salita ng Diyos. Totoo ngang naging pagpapala at paalala ito sa bawat magulang at mga guro na patuloy na manalangin, magbigay atensyon at importansya sa paghubog sa mga mag-aaral. Kasunod nito ay ang dalawang patutuo mula sa dalawang magulang na nagbigay inspirasyo, hamon at lakas ng loob upang ang bawat isa ay magpatuloy sa pagtangkilik at pagpahalaga sa Kristiyanong edukasyon. Sa huli ay ang "Card Viewing" sa bawat Learning Center kung saan ang mga magulang at guro ay nagkaroon ng papupulong at pagpirma sa marka ng Unang Sikapat. Sa Diyos ang papuri sa matagumpay na kaganapan.
Copyright © Beata Agustin | Year Posted 2018
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment