Sampaguita Sumpa Kita

Sampaguita 
Sumpa Kita / Isusumpa Kita

Kung rosas ay para 
sa romansa, 
at liryo para 
sa panibagong yugto
umasa ka sa aking
sampaguita,
hindi ka ikakaila—
isusumpa ko ang
ngalan mo.

Walang malas 
sa mundo
kung kasapi ka
sa bawat apak ko
sa makasalanang lupain
na kailanman ay hindi
ka sasambahin
pero huwag mo 
sanang lisanin
dahil andito akong
handa kang ibigin—
habang buhay,
hanggang sa wala nang buhay.

 Kung ang sumpa
ay masama,
hindi ka dapat
mangamba
sapagkat wala
akong ibang hangad 
kundi ang pagsilbihan ka
maupos man
ang balat sa ilalim
ng lupa
pagkatapos
antayin ni kamatayan
upang sunduin
na, ikakabahala
nila ang labis kong
pag-angal
dahil hindi kita
maihahatid
sa sukdulan
ng langit na
sa'yo ay naghihintay.

Isusumpa kita,
sumpa kita,
paulit-ulit
hindi ako magsasawa,
hindi mananawa,
magmamakaawa
pa nga na sana ay
dinggin
ang panalangin
na akin ka lang
kahit may hadlang,
pakiusap
sana ay mapagbigyan
huwag na ang kahilingan
ng kapayapaan
kung wala ka 
sa aking tabi 
para ako'y hagkan.

Isusumpa ko
sa bawat santo
kahit nasaan man ako
bitbit ko ang bakas mo
sa aking pagkatao
at pusong sa iyo
lang tumitibok.
hinding-hindi kita 
ipagkakanulo,
sa langit man o
impyerno
makakaasang sa iyo
lang ako luluhod
bawat luha ay tila
perlas na namumuo
dahil sa pagmamahal
na hindi ko na
makayanan
sa sobrang 
pagsumpa sa iyo.

O, sumpa kita.
Isinusumpa kita
aking pangako'y
nakasabit 
sa alay na sampaguita.
O, sumpa kita.
Isinusumpa kita
sana naman
marinig 
ang iyak
ng tulad kong
baliw 
sa sumpa 
ng iyong pag-ibig.
Copyright © | Year Posted 2026

Poem

Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.

Please Login to post a comment

Agustin Avatar
May 19, 2026 at 11:07 PM
Salamat. Thanks for sharing this... exposing your thoughts through your unique poetic style. Welcome to Poetry Soup. I welcome you with the love of the Lord, expressed by John 3:16 of the Bible, "For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life." Be blessed. (It is also nice if you post the English version of this.)
Get a Premium Membership
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a Premium Membership.
Book: Diverse Voices: The Poetry of Human Rights and the Pursuit of Peace