Sa Silid- Aralan
I.
Matapos ang pagsabog ng 'yong alindog,
Mayro'ng ingay'ng sa paarala'y pumutok,
Walang anu- ano, ang laya' y nasugpo.
Silid nati'y nagkakulay at napuno.
II.
"Dito sa bandang hilaga ng likuran,
Sa layo'y patayo kitang tinutunghan,
Tahimik 'kong puso mo'y sinusumpaan
Ng pagmamahal ." Kung nauulinigan...
III.
Kung nababatid mo rin, o, aking pita,
Sa kaumiran ng bibig ko'y may pasya.
Ito'y, "Ang utak at puso'y itataya!
Magbabanat- buto nang ibigin sana.”
IV.
Katipunan ng talastas na 'lang ingay
Ay pinagtitibay nang pagtat’as- kamay.
Kung nababatid o kaya'y naririnig,
Liban sa Diyos, ang saksi'y itong silid.
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2017
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.
Please
Login
to post a comment