Get Your Premium Membership

Sa Pagkalagot Ng Hininga

Sa pagkalagot ng hininga, Ang katawan ay natutunaw; Nagbababalik sa pagkalupa, Sa ilalim ng araw. Kapag pumanaw ang tao, Namamatay rin ang kaluluwa; Ito'y dumidikit sa alabok, Waring nagpapahinga. Sa pagyao ng sinoman, Wala na rin siyang pagkilos; Ang kaniyang espiritu Ay bumabalik sa Panginoong Diyos. Sa pagtigil ng pagtibok Ng puso ng nagmamahal Ay wala na ring pag-ibig, Hirap at pagpapagal. Ang kamatayan ay pagtulog, Ito ay itinakda ng Ama; Walang anomang makapipigil Sa pagkalagot ng hininga.

Copyright © | Year Posted 2019




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs