Sa Balikat Mo
Kasiyahang ‘di ko lubusang mawari;
At kislap nang nag-uumapaw na ngiti
Sadyang bakas sa nanging'nig na mga labi
Noong tayo ay tahasang magkatabi.
Paghihirap na ‘di bakas… nililihim…
Pagkat kahit ipilit may ‘la sa piling,
Kahit kalipunan ng ‘king kinikimkim
Sa balikat mo'y ‘di sambit't maibitling.
Ang mga marka nang siphayo sa damdamin,
At nahubog na piklat ng kaw'lang-lambing,
Pawang mga naulilang lubos sa dilim
Kung saan liwanag mo ang lumalambing.
Sa balikat mo'y ‘lang mal'sap na pangamba
Ne ‘lang supling nang pagsisising mahal ka.
Sa kabuoan nitong mga pagdurusa,
Ang isuko ka ay 'di ko magagawa.
Sa tabi nang ‘yong mukhang mapag-aruga,
Ay ulo kong sa puso mo'y na'tulala.
Ang tibok nito'y pilit kong dinarama,
Hinahabol saglitang buntong-hininga.
Sa pili mong balikat aking dalangin,
At ibinubulong sa puso mong gising,
Ang ipinar'rinig, "Kita'y hihintayin
Maging ang katapusan ay sasapitin."
Sa'yong tabing waglit tanang pagtitiis,
Ang iyong balikat na lagi kong nais,
Dalangin at panaghoy kong mula noon
"Di birong tinutuo ng langit ngayon.
Ang mapasa'yong balikat buong buhay,
Makapiling ka gitna nitong mga tangway,
Kahit man din sadyang mayro'ng kahirapan,
Sa Poon kita'y palagian kong dasal.
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2014
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment