Pilipinas
Kahirap! Kahirapan ang dahilan
Kung bakit hindi maulad ang kabahayan.
Kabahayan ng pinas ay pinabayaan
Kurapsyon at pandaraya ay ayaw lubayan!
Gera sa ibang lugar ay kapabayaan
Kapabayaan ng mga unang nag silbi sa bayan.
Ang dami patay at naghihirap dahil sa kaguluhan
Na hindi matapos tapos dahil sa pinaglalaban!
Pinaglalaban na sa tingin ng iba ay tama
Kahit na dahas ang unang pinadama
Sa mga inosenteng humihiling sa ama
Na sana matapos na ang matagal na gera.
Droga sa ibang lugar ay laganap
Buhay ng iba ay lubhang hirap
Sapagkat kanilang utak gusto ay sarap
Sarap na kahit kailanman hindi matutumbasan ng maayos na pangarap.
Oh mahal kong inang bayan
Kami po ay tulungan
Sapagkat kami ay lubhang pinabayaan
Ng mga nakaupong mapang mata sa bayan!
Copyright © James Larioza | Year Posted 2018
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment