Kay J
Ang iyong kariktang lubhang bumighani
Niring puso kong ‘di marunong Kumasi;
Siya ring imaheng gumanti- pighati
S'yang naglaho't dahil niring pagkasawi.
Hindi sa kita ay aking sinisisi
Sa bukas sa balanang aking nasapit;
Hindi sa naglilo ang iyong pagkasi.
Kundi, Siguro, pag- irog mo'y napatid!
Kirot man sa dibdib ang naging hantungan,
Ang noo'y paraisong pagmamahalan,
M.J. ay sa dagli ng iyong pagparam
‘Di ko maatim na sa iyo'y dumamdam.
‘Di mo man hustong natalastas sa akin;
Marahil ako'y naging mitya ng lahat;
Ang kabuoang ako ang naging dahil
Na iyong diwang paglisan ay naganap.
Kung kaya, sa positibong haka- haka
Na ngayo'y sa puso aking nakakatha,
Pabayaan mong umintindi't umasta
Na sa lipon ng sakit, INTINDI KITA!
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2014
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.
Please
Login
to post a comment