Get Your Premium Membership

Ang Asin Ng Sanlibutan

Ang asin ng sanlibutan Ay nagmula sa dagat; Gawa ng Inang Kalikasan, Ang lasa ay maalat. Ang asin ng sanlibutan Ay totoong napakahalaga; Kailangan ito ng katawan Upang tubig di agad makawala. Ang asin ng sanlibutan Ay may iba't ibang uri; May magaspang at pino, May orihinal at peke. Ang asin ng sanlibutan Ay hindi lang para sa lutuin; Gamit din upang di mabulok, Karne ng hayop o isda rin. Ang mga tao sa mundo Ay alipin ng kabulukan; Pinagtularan sa Iglesia ni Cristo Ang asin ng sanlibutan.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things