Get Your Premium Membership

A L O N

Sa natagpuang malinis na dagat ay nakayapak na lumusong Nagpatangay sa alon, duyan ng pangarap umusbong, Hinayaang lumaya ang hinaing ng puso at kanyang bulong Ligalig na hatid nito'y ninamnam, handa na ba'ng isulong? Ragasa ang alon, tinangay ang walang tutol na panaghoy Tangis ng puso, init ng pag-ibig ay nagningas, umapoy! Himagsik ng kalooban pilit na sinikil, di tinukoy Ano ba, bakit ba, pagkalula'y naramdaman sa kanyang ugoy! Tila higop ng kumunoy, mapagkit ang kapit Magneto ng alon ay hindi maiwasan kahit nakapikit, Ang lakas ng hatak, hindi malabanan kahit na kumapit Sa paniniwalang ito lamang ay magdudulot ng hinagpis at pait! Natuto ngang pumaimbabaw, sa alon ay nagpatangay Alon ng mapanglaw na pananabik sa kanya'y sumabay, Daloy ng kasiyahan, ninamnam ang pag-ibig na tunay Tinangay ng masidhing pagsinta na walang kapantay. Sa alon ng pangarap kanyang nabatid Hangaring makamtan ang kaligayahang hatid, Pag-ibig na wagas rumagasa sa puso'ng sabik Tinupad ang hiling ng kanyang matapat na gibik! Saan ba patungo, alon ng hangaring ito Sa dulo ba ng talampas, mahuhulog ba o hihinto? O kakapit at tatayo, humakbang palayo dito Upang sa ituktok ng talampas, daloy ng pangarap itatayo? Pag-ibig na dumaloy, sa puso'ng hapo Ngayo'y tigib ng pagnanasang magkapanagpo, Isakatuparan ang hinaing ng sabik na puso Maging isa, sa alon ng pag-ibig ay magpatangay ng buong puso! Inner Whispers

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

Date: 3/11/2014 10:55:00 AM
Inner Whispers.... ang bulong ng hangin ay aking natamo...sa mga titik ng 'yongtula akoy nasiphayo...anong inam ,anong tamis ng bawat salita..animo'y ako ay lumalakad sa ulap..nais ko sanang sa iyo'y ipabatid.. ikaw ay nag-iisang maningning ng tala sa langit. Sa lupa ikaw'y inihatid, at dito'y maghasik ng pag-ibig!!!! ...WELL DONE!!! ...^__^
Login to Reply
Whispers Avatar
Inner Whispers
Date: 3/11/2014 11:46:00 PM
Salamat, Aiyah. Ako'y nagagalak at ika'y aking nabighani ng aking prosa. Isang karangalan, kaibigan!

Book: Reflection on the Important Things