Get Your Premium Membership

Tanga

Tanga, tawag sa mga taong nagkakamali
Pumili ng iibigin, iyon pang manloloko
Seryosong mangingibig, iniwasan, nilayuan
Kaya ngayon ikaw at pupulutin sa kangkungan

Piniling mga kaibigan ay mga adik at sugarol
Kaya magiging katulad mo na rin sila sa huli
Ayaw sa mga mukhang tanga at bobo sa itsura
Pero ang kalalabasan ay sila pala ang mga moron at estupido

Naniniwala sa mga sinungaling at manloloko
Ayaw makinig sa mga tamang payo at gabay
Ibinotong mga pulitiko ay hindi karapat dapat
Kaya lupain mo ay ipamimigay pati na kalayaan

Sinalihang relihiyon ay huwad at mapanlinlang
Kung kaya't ang Lumikha ay naninibugho
Kaya mga kapatid ko, dapat tayong maging matalino
Huwag tayong tatanga tanga, upang hindi mapahamak

Copyright © | Year Posted 2019




Post Comments
Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.