Entablado
Bumagsak ang telon
Hinatak niya ang kanyang kurbata
Tapos na ang palabas
Wala na...
Buntong-hininga ang pinakawalan
Nag-iisa na naman siya
Nanginginig and kanyang mga kamay...
Masigabong palakpakan.
Bumukas ang telon
Humalakhak ang mga manonood
Magaling, maganda
Tumayo siya
Nakipagkamay sa direktor
Bumalik siya sa kotse, sa bahay
Walang kasama.
Tumulo ang luha...
Palakpaka'y nasa'n na?
Kristina Lim
2003
Iloilo City, Philippines
Copyright © Kristina Lim | Year Posted 2021
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.
Please
Login
to post a comment