Get Your Premium Membership

Ang Puti Ng Itlog Ay Walang Lasa

Ang puti ng itlog ay walang lasa, Malibang nilagyan ito ng asin, At ang dilaw naman ay may protina, Kaya masarap iulam sa kanin, Sa tuwing inihahain sa mesa, Ito ay hindi mapigilang kunin, Kilala nga ito sa buong mundo, Mahalaga ito sa bawat tao. Wala ngang lasa ang puti ng itlog, Ito'y nasa Banal na Kasulatan, Kung ito'y di sinasadyang mahulog, Mababasag at lalabas ang laman, Ito rin ay mabuting pampalusog, Magandang pampalakas ng katawan, Huwag lang lalabis sa nararapat, Alamin mong mas mainam ang sapat. Sa nilagang itlog ay nakadikit Ang balat na buo minsa'y may bitak, Sa prito may imaheng nakaukit, Ang dulot sa tumitingin ay galak, Kapag malasado ay inuulit, Upang ang luha ay hindi pumatak, Karaniwang dilaw ang pinipili, Sa itlog ay walang lasa ang puti.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs