183 Tumatarok 4
183.
Tumatarok 4
-Ang Nag-iisang Pinili-
22 Paggising ng lahat pagkatapos
Mga bisig nila'y iginapos
23 Wala nang nagtangkang pumiglas
Dahil mga Amazona'y marami't malakas
24 Kadiliman ay hindi alintana
Patungo sa lambak sila'y ipinarada
25 Malalim na ang gabi
Nang makarating sa paroroonan ang mga nakatali
26 Mayroon palang kuweba
Sa lambak na kinaroroonan nila
27 Ang mga Amazona'y pumili
Ng ililigtas na lalaki
28 Napili ang binatang pinakagwapo
Na ang katawan ay matipuno.
-07/23/2012
*Gintong Lupa Series
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.