144 Daragus 4
144.
Daragus 4
-Unang Pagsubok sa Magiging Prinsipe-
22 Ang unang pagsubok ay paligsahan
Na susubok sa lakas at katatagan
23 Inihanda na ng mga binata
Ang mga katawan nila
24 Nagbalu-baluktot, nagbanat-banat
Nag-imbay-imbay, nag-inat-inat
25 Kapagdaka'y ipinagitna sa kanila
Ang isang kahoy na lamesa
26 Inilapag nila rito
Ang kanilang mga braso
27 Para sa pagbubunuan
Ng mga kalamnan
28 Sa huli'y si Agus ang kinilala
Bilang pinakamalakas na binata.
-06/23/2012
*Gintong Lupa Series
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.