Lumaya Ka
Nahahapis ka na't nadurusta,
Nagdaralita na't walang tuwa,
Kaylan ka magigising dalaga
Sa pagkakaidlip na 'lang saya?
Natitika ang butihing langit,
Naghihingalo sa hapdi't sakit,
Hanggang kaylan mamimilipit
Sa ganyang dalahin na kay pait?
Kung pag-ibig sa kanya ay ganyan,
Kung purong luha iyong hantungan,
Kahit tatap siya'y kailangan,
Dalaga, pandama'y paglabanan.
Pumiglas ka sa imbing pag-ibig,
Layo sa sumab'kay'ng mapandaig,
Laya sa irog na mapanlupig,
'Wag hayaang sa hukay makabig!
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2014
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.
Please
Login
to post a comment