Lipas Na
Lipas na ang tuwang noo'y di maparam
Pagkat mulat na ang mga matang hibang.
Ngayo'y nakikita na ang katut'hanang
Ang dating saya'y mababaw ang dahilan.
Hindi pag-ibig, paghanga o anuman,
Yumaong gali ay pawang agam- agam.
Nakuha lang na utak ay pagtaksilan;
'Di nakilatis maigi ang nagdaan.
Nabuyo kalang ng akala mo noong
Paglingap na tunay at makahulugan.
Ang utak ay niluko ng iyong pusong
Nalibang sa ubod- tamis na suyuan.
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2017
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment